Photo by: Justyn Shawn
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Isang lalaki
ang nakaupo at nag-iisa sa isang sulok. Pinakatitigan
ko munang mabuti at kinilala baka mamaya mapahiya ako. Pero hindi ako magkakamali dahil bigla siyang
tumingin sa akin at nagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. “Siya nga!” at agad ko itong nilapitan.
“Ikaw pala ang nagtext. Musta na?”
“Ito OK naman ako. Nung isang araw pa kitang kinokontak kaya
lang out of coverage ka. Nalaman ko na
lang nagbakasyon ka pala,” tugon ng
kausap ko.
“Sandali! Paano mo nga palang nakuha ng number ko? At kailan ka dumating? Ni hindi ka man lang nag-message sa akin na
papunta ka pala dito para naman nakapaghanda ako. “
“Actually two weeks pa lang ako
dito. Nagpakuha ako ng visa sa kakilala
ko. Ayun OK pa nung unang linggo, halos
hindi ako pakilusin sa loob ng bahay kaya lang nagkagulo kami kasi feeling ko
sobra iyung singil niya sa akin. Wala
namang problema sa akin kaya lang nitong week na ‘to halos lahat yata kilos ko
may bayad. At kaya ako tumawag sa ‘yo
kasi itatanong ko sana kung may alam kang bedspace dahil gusto ko na talagang
lumipat. Tutal hindi naman n’ya na
siguro ako kargo dahil malaki na ako.
Sige na Ron oh… Tulungan mo na ko.
O, kung gusto mo naman, sa ‘yo na muna ako titira. Please...” And here we go again the magic
word PLEASE. Ayaw ko talagang nagpi-please
ang isang tao sa akin, kasi feeling ko hindi ko mahihindian.
“Ok, sige walang problema sa akin
tutal mag-isa lang naman ako sa room.
Pero Enzo, you should know na bisexual ako. Sasabihin ko na sa yo para kung di ka
komportablena may kasamang lipi ni Adan na nabahiran ng dugo ni Eba pwede pang
magbago ang isip mo.” Ang diretsahan kong wika dito.
“Talaga tol?!” ang manghang
tanong nito. “Pero panong nangyari, diba
bago ka umalis ng Pinas may girlfriend ka?”
“Kaylangan ko pa bang ikwento ng
buong-buo? Hindi ba pwedeng enough na
nalaman mo na lang na ganito ako?” ang medyo inis kong tugon. Ayaw ko ng kinukwestyon ang pagkatao ko. Walang mali sa pagiging bisexual ko at isa pa
wala akong tinatapakang tao. Hindi ako
ang tipo ng tao na gagawin ang lahat makalamang lang sa kapwa.
Matapos ang konting pag-uusap
naming ni Enzo ay sinama ko muna siya sa bahay para makita niya ang lugar at
ang mga taong maaari niyang makasama kung sakaling matuloy ang paglipat nya sa
akin.
Si Enzo o Lorenzo Rivera ay dati
kong kasamahan sa hotel sa Pinas pero hindi gaanong matagal ‘yung time na
nakasama ko siya sa trabaho dahil na rin kaylagan kong umalis ng bansa at
tunguhin ang Middle East sa inbitasyon ng aking tiyuhin. Maganda ang tindig ni Enzo, mestisuhin,
matangos ang ilong, medyo bilugan ang mata na mapupungay, at malakas ang
dating; appealing kung baga. About naman
sa ugali niya hindi ko masyadong maibigay ang details kasi nga hindi kami
nagkasama ng matagal na panahon sa trabaho.
“Tol, ok na ko dito. Next month lilipat na ako kasi di ko na talaga
matiis yung ugali ng mga kasama ko don.
Dito mukhang cool ang mga tao,” saad nito habang iginagala ang mata na
tila kinakabisa ang bawat sulok ng bahay.
“Akala ko ba gusto mo ng lumipat
agad? Bakit di ka na lang lumipat kung
kailan mo gusto? Tutal mag-isa lang naman
ako dito. Tungkol naman sa bayarin sa
bahay, don’t worry nakapagbayad na ko ng rent. Next month ka na lang magbigay para sa share
mo. Huwag kang mag-alala hindi kita
sisingilin ng mahal. Isa pa, wala ka
pang trabaho. Maghahanap ka pa lang
diba? Tulong ko na rin sayo.”
“Wow! Talaga tol? Hindi ko hihindian ‘yan. Grasya na ‘yan eh.” Sabay guhit ng ngiti sa kanyang labi na
nagpatingkad lalo sa kanyang kagwapuhan.
“Sige bukas agad lilipat ako.
Tutal Friday wala kang pasok.”
“Aba, bukas agad? Papalitan ko pa ang kama ng double deck kita
mo naman na double size bed lang ang kama ko.
Alangan naman magtabi tayo?” ang pagtutol ko dito dahil hindi ko
inaasahan na ganoon kabilis ang pagpapalit ng kanyang desisyon.
“Ano ka ba tol? Walang kaso sa akin yun. Hindi naman ako maselan. Ok lang sa akin kahit magkatabi tayo. Hindi ka naman nangangain ng tao diba?” sabay
kindat na ikinataas ng kilay ko.
Matapos ang ilang oras ng pag-stay
ni Enzo ay nagpaalam na ito upang umuwi at mag-aayos na raw siya ng gamit niya
para sa paglipat bukas.
Naiwan akong mag-isa ngayon sa
kwarto. Sila Jane naman ay lumabas. Iyung ibang tao naman sa bahay nasa trabaho
pa. Naisipan ko ng tawagan si Christian
upang sabihin na handa na akong makipag-ayos sa kanya. Hindi pa man ako nakaka-dial ay tumunog ang
cellphone ko.
“Hello. Lee napatawag ka.” takang
tanong ko dito dahil sa hindi ko inaasahang tawag mula dito.
“Ron, I just want to talk to you
kasi I’ll be leaving tomorrow. I’ll be
moving to Singapore. And for the last time
I want you to know how grateful I am na naging parte ka ng buhay ko. And even though I caused you pains, you still
have the heart to forgive me. I could
never find another one like you. Sorry
for the things I’ve caused you… And I
won’t be bothering you and Christian. He
deserves your love more than I do. Napatunayan
na n’ya iyon ng maraming beses simula ng masataktan kita at hindi ko maitatangging
mahal ka niyang talaga. I can feel na hindi ka nya sasaktan. I’m giving up hindi dahil hindi na kita
mahal. I’m giving up kasi iyon ang
dapat. Kasi kahit anong laban pa ang
gawin ko kung ang taong mahal ko naman ay hindi na ako ang mahal, balewala na
rin ang pakikipaglaban ko pa,” pinutol
kong saglit ang sinasabi ni Lee.
“Lee, thank you rin and I am
wishing you good luck sa desisyon mo.
Tandaan mo naging happy ako ng mga panahon na kasama pa kita. Parte ka na ng buhay ko at hindi na mabubura
yun kahit pa sabihin nating hindi naging maganda ang ending ng relasyon natin. Masaya pa rin ako. Dahil sayo nakilala kong mabuti ang sarili
ko. Dahil sayo mas lalo akong naging
matatag sa mga pagsubok sa buhay.
Maraming salamat kasi kahit papaano naramdaman ko naman na minahal mo
ako. ‘Yun nga lang hindi nagtagal… Sorry kung hindi ko na kayang ibalik ang
dating tayo. Maraming bagay ang
nagbabago. Minsan ang dating nasa iyo
maaaring mapunta sa iba kung hindi mo aalagaan.
Kaya sana lang Lee sa susunod na magmamahal ka maging handa ka na
mentally and emotionally. ‘Wag mo ng
gawin sa iba ang nagawa mo sa akin.
Ingat ka na lang sa bagong buhay na napili mo. You will always be here in my heart. Take care.” Habang sinasabi ko ang mga katagang
ito ay tuluy-tuloy na dumaloy ang luha ko pero sa pagkakataong ito wala ng
hapdi akong naradaman kundi pagpapatawad.
Sa pagkakataong ito nahugasan na ng luha ang mga pait at sakit na aking
dinanas. Mas lalong gumaan ang aking
kalooban mas lalong luminaw ang aking isipan.
Dinig ko mula sa kabilang linya
ang mga pigil na hikbi ni Lee tanda na umiiyak ito. “Maraming salamat sa pagpapatawad Ron. Hindi kita makakalimutan. Sakaling kailanganin mo ng tulong ko, nandito
lang ako para sayo at tatanggapin ko ng maluwag sa puso ko na hanggang pagiging
magkaibigan na lang ang mamamagitan sa ating dalawa. Sana ay sumaya ka sa piling ni
Christian. See you when I see you. I need to go now, I have lots of things to do
pa. I love you my dearest friend.” tumatak sa akin ang huling katagang binitiwan
ni Lee. Hindi ko maaalis na minsan sa
buhay ko ay nakilala ko siya at naging malaki ang parte sa pagkatao ko. Masaya akong natutunan na rin niyang
tanggapin ang katotohanan na hanggang pagkakaibigan na lang ang meron kami.
Masarap sa pakiramdam na
napakawalan mo na ng tuluyan ang mga pait at sakit na iyong naranasan sa
buhay. Ngayon ko tuluyang masasabing
handang-handa na akong harapin si Christian.
Aayusin ko ang bagay na iniwan kong nakabitin. Bibigyan ko na ng kasagutan ang tanong na
matagal ng walang kasagutan. Mangyayari lang
lahat ng ito sa oras na magkausap na kami.
Imbis na tatawagan ko pa si
Christian ay napagdesisyunan ko na lang na magpahinga. Dala na rin siguro ng pagod sa flight pabalik
ng Abu Dhabi at pagpasok ko pa ang dami pang paper works na inendorse sa akin
ay agad akong nakatulog. Resulta ng
pagod na pag-iisip at katawan.
Sa kasarapan ng tulog ko ay
nagising ako sa katok ni Jane. Agad
akong tumayo at tinungo ang pintuan upang pagbuksan ito.
“O, bakit?” pupungas-pungas kong
pagharap dito.
“Yung kasama mo kanina, nandyan
sa sala. Labasin mo,” utos nito sa
akin.
Dali-dali naman akong nagtungo ng
sala upang puntahan si Enzo.
“O, tol. Anong atin?” Ang bungad ko dito na medyo
inaantok pa ang tinig.
“Tulog ka na pala.” Ang naiilang
na tugon nito sa akin.
“Kung tulog ako di sana hindi mo
ko kausap ngayon.” Ang may pagkapilosopo
kong sagot.
“No, what I mean is nakatulog ka
na pala. Naabala pa kita,” lalong ilang
na pagpapaliwanag nito.
“Ano ba kasi yun?” ang inis ko ng
tanong dito.
“Tol, kasi napag-isipan ko na
ngayon na lang lumipat kung pwede sana.” Ang medyo nahihiya nitong wika.
“Yun lang pala. Ikaw kung ready na ba ang gamit mo bakit
hindi. Tutal sabi mo naman ok lang sayo
kahit magtabi tayo. Open naman ang room
ko kahit ngayong gabi ka na lumipat.”
Nang gabi ding iyon lumipat si
Enzo. Nag-ayos kami ng gamit n’ya. Inayos ko na rin ang cabinet ko at binigyan s’ya
ng space para naman may mapaglagyan s’ya ng mga damit nya. Habang nag-aayos s’ya, nagluto naman ako ng
makakain dahil gutom na din ako. Natulog
akong hindi kumakain at kung hindi lang ako ginising para sabihing dumating ang
mokong na Enzo na ‘to, malamang kinabukasan na ako kakain.
Matapos makapagluto ay agad na
akong naghain upang makakain na kami ni Enzo.
Konting kwentuhan habang kumakain kami.
“Tol… nga pala, anong naisip mo
at napagdesisyunan mong mag-abroad?” Ang pagsisimula ko ng usapan.
“Madaming bagay akong inisip bago
ako nakapagdesisyon na mag-abroad. Kung
sa pamilya lang naman kaya naman ng kinikita sa hotel yung pangtustos sa
pang-araw-araw namin. Kaya lang dahil
dito kaya ako nandito ngayon,” sabay turo sa puso
“What do you mean?” Ang
maang-maangan kong tanong. “As if namang
hindi ko pinagdaanan ‘yan diba?” Ang bulong ng isip ko.
“Umalis ako kasi gusto kong
makalimot, gusto kong hanapin ang sarili ko.
Gusto kong bigyang kasagutan ang mga tanong sa isip ko. Gulung-gulo ako sa sarili ko ngayon. And as much as possible I don’t want to talk
about it. Hindi ko pa kayang maalala ang
sakit.” Ang tila nawalan ng gana sa pagkain habang sinasabi nya ang saloobin.
“Hmmm… Okay, let’s drop the topic
at kumain lang tayo. Dahil sobrang gutom
talaga ako.” Sabay bigay ng ngiti sa
kanya. Nagbigay din naman ito ng ngiti
sa akin pilit nga lang.
Naging tahimik ang mga sumunod na
nangyari sa hapag. Akala ko ako lang ng
nakaranas ng heartache, may iba pa pala.
Ang sabi ko sa sarili ko habang
natatawa na lang sa mga pinagdaanan ko.
Natapos na’t lahat sa pagkain
ngunit talaga yatang nahalungkat ko ang dahilan kung bakit s’ya umalis ng Pinas
at nangibang bayan dahil talagang hindi na siya kumibo matapos ko s’yang
matanong. Pumunta na ako ng kusina at
hinugasan ang pinagkainan. Iniwan ko
muna s’ya. Pagbalik ko, nakita ko si
Enzo tulala pa rin pero ngayon makikita mo sa kanyang mata ang sobrang lungkot.
Madadama mo sa kanya ang pighati. Nakita ko sa kanya kung ano ako noong
nakaraang mga buwan. Isang taong nawalan
ng pag-asa. Isang taong pinanghinaan ng
loob. Isang taong nasaktan dahil sa
pag-ibig. Gusto kong kausapin si Enzo upang
gumaan ang loob n’ya pero paano kong gagawin, hanggang ngayon hindi pa kami
nagkakaayos ni Christian? Hanggang ngayon
nananatili pa rin ang pader na nakapagitan sa aming dalawa.
“Hoy! Ang lalim ng iniisip mo ha,”
pagulat kong wika.
“Wala may iniisip lang,” tugon
niya.
“Anong iniisip mo? Ang paghahanap ng trabaho o yung dahilan bakit ka nandito?”
Ang seryosong tanong ko sa kanya.
“Parehas…” kita ko sa mga mata nito ang namumuong mga
luha na maaaring pumatak ano mang oras na gustuhin nitong kumawala.
“Ooooops! Pwede stop muna tayo sa
pag-iyak? Ilang buwan ko ng ginagawa ‘yan.
Nagsasawa na ako.” Ang pag-awat ko
dito. “Parang habag at awa ngayon lang
napahinga ang mata ko sa mga luha na ‘yan tapos makikita ko ang kaharap ko
iiyak. Please lang ‘wag naman.” Ang bulong ng aking isipan
Sa totoo lang gustong-gusto ko na
talaga siyang i-comfort pero hindi ko magawa.
Dahil hanggang ngayon hindi pa rin ganoong katatag ang loob ko upang
magbigay ng payo. Kahit pa malinaw na ang utak ko at gumaan na ang loob ko dahil
sa pag-uusap namin ni Lee, may isa pang bagay akong hindi nagagawa kaya kahit
pa anong nais kong tulungan si Enzo sa nararamdaman nito ay hindi ko magawa.
“Kung kaya lang kitang tulungan
sa dinadala mo tol ginawa ko na. Kaya
lang, may problemang puso rin akong
hinaharap ngayon. Kaya kung ano man ang
mga tanong mo, hindi ko pa kayang sagutin.
Dahil kahit ako mahihirapan.
Hayaan mo sa oras na matapos ang problema ko tutulungan kita ng walang
pag-aatubili.” Pagpapalubag loob ko sa kanya upang kahit papaano ay gumaan ang
nararamdaman niya sa pinagdaraanan niya ngayon.
Na kahit papaano ay alam niyang may masasandalan siya kahit pa may
problema rin akong pinagdaraanan.
“Ok lang tol, at least alam kong
kahit papaano ay may tao akong masasandalan.
Salamat sa ‘yo tol, kasi kahit hindi tayo gaanong nagkasama sa trabaho
ng matagal sa Pinas heto ka tumutulong sa akin.”
“Ano ka ba, para ka namang
iba. Kahit naman hindi tayo nagkasama ng
matagal sa trabaho magkaibigan pa rin naman tayo. Matagal tagal na rin akong walang balita sa
mga dati nating kasama. Noong
nagbakasyon ako, dumalaw ako sa hotel. Puro
bago na ang nakita, ko wala na akong kilala.” nanatili na lang tahimik si Enzo.
Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa
isipan n’ya kaya naman hinayaan ko na lang muna s’ya pansamantala upang
makapag-isip. Lumabas ako ng kwarto upang
makapagyosi.
“Oy, Ron ang gwapo ng roommate mo
ha. Infairness mukhang may ipapalit ka
na kay Christian.” Ang panunukso sa akin ni Jane.
“Tange! Kasama ko dati sa trabaho sa Pinas ‘yan. Pumunta dito kasi broken hearted. Ayun nga nasa kwarto nagmumukmok. Grabe rin ‘yung kinuhaan niya ng visa. Pinagkakitaan s’ya ng husto.”
“Ganon?! Sabagay alam mo naman ang iba nating kabayan
dito tinatalo kahit kapwa Pilipino kumita lang ng pera.” Ang pagsang-ayon ni Jane sa huli kong
pahayag. “Pero sandali Ron, baka naman
ma-inlove ka na naman ha. Inuunahan na
kita. Kilala na kita. Magpakita lang ng kabaitan ang tao sa ‘yo nai-inlove
ka agad. Kung pwede lang, ayusin mo muna
ang sarili mo ha bago ka pumasok ulit sa relasyon.”
“Ano ka ba kung anu-ano na naman
ang pumapasok sa utak mo. At isa pa,
aayusin ko kung ano man ang meron sa amin ni Christian. After my vacation naisip kong mahal ko pa
rin sya. Kaya ito humahanap lang ako ng
tyempo para makipag-usap sa kanya. Hindi
pa rin nya alam na nakabalik na ako, hindi ko pa s’ya tinatawagan.”
“Ay ganon, makikipagbalikan
ka? Matapos kang iwan na lang sa ere ng
ganun-ganon na lang isang bakasyon lang bumalik agad ang feelings mo sa
kanya? Astig ha!”
“Siguro naman alam mo ‘yung
feeling na kulang ka kasi hindi mo kasama ‘yung taong mahal mo at nagpakita sayo
ng pagmamahal.” Ang depensa ko sa sinabi
ni Jane. “Isa pa, napag-isipan ko ng
mabuti ang desisyon ko. If and only if,
my decision fails. There’s no one to
blame but me and besides mahal ko eh,
kaya kong magtiis.”
“Oh s’ya sige, hintayin mo na
lang ‘yung rebulto na ipapagawa ko sa Luneta.
Pasok na ako ng kwarto at ng makapagpahinga na.” Ang sarkastikong
pahayag nito sa akin. Bakas pa rin kay
Jane ang galit nito sa ginawang pagwawalang bahala sa akin ni Christian. Hindi ko naman masisi ang kaibigan ko, pero
nagmamahal ako. Sasaya lang ako at
makukumpletong muli kung maaayos ang relasyon namin ni Christian.
Naiwan akong mag-isa sa sala ng
lumapit si Enzo sa akin.
“Hindi ka pa ba
magpapahinga? Pasado alas dose na.”
“Ikaw pala, maya-maya na
siguro. Ikaw bakit di ka pa magpahinga?”
“Maglilinis na nga ako ng katawan
para makapagpahinga na rin. Sige tol,
linis na muna ako ng katawan.” Agad
naman akong pumasok ng kwarto ng makapasok noong si Enzo ng banyo.
Habang hinihintay ko si Enzo na
matapos sa paggamit ng banyo ay kinuha ko muna ang cellphone ko at napansin
kong may miscall galing kay Christian. “Bakit hindi ko man lang narinig hindi
naman naka silent.” takang tanong ko sa sarili.
Tatawagan ko sana siya kaya lang naubos na pala ang load ko kaya naman tumawag
na lang ako gamit ang landline sa grocery upang magpadeliver ng load at ng
chichirya dahil wala naman pasok bukas at dahil balak kong mag movie
marathon.
DING DONG!
Agad kong kinuha ang wallet ko at
tinungo ang pintuan. Upang pagbuksan ang
delivery boy. Matapos makuha ang pinadeliver ko ay bumalik agad ako sa
kwarto. Inilalabas kong paisa-isa ang
mga pagkain ng makakita ako ng isang papel na nakatupi.
Itutuloy…
ano ang papel ni enzo kila ron at christian? hmmm...
ReplyDeleteumalis nga si lee may pumalit naman. nakakaamoy ako ng panibagong gulo kuya hihihi :) ano kya ang laman ng sulat at sino ang nagsulat? :)
Next Na! Buti nalang at may Powers Ako At kung Saan Saan ako pwedeng pumunta! I LOVE YOU AUTHOR! Bukas meron na ha!
ReplyDeleteoh em gee... bukas agad? ang bilis naman nun... uumpisahan ko pa lang ih...
Deletethank you sa pagsuporta...