Photo by: Justyn Shawn
Kahit late na babati pa rin ako sa inyo ng isang Manigong Bagong Taon!
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo. Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat. Sana po ay naintindihan ninyo.
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo. Gusto ko rin pong humingi ng paumanhin sa late posting ko medyo nahirapan po kasi akong hanapin si kumpareng imagination at isa pa po dumaan po ang Christmas Day kaya lalong natagalan ang aking pagsusulat. Sana po ay naintindihan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, Khate Williams Serjado, Jhonny Quest, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
“Hello Jane, nand’yan ba si Enzo
kanina ko pa kasi s’yang tinatawagan kaya lang he’s not picking up my
call.” Ang medyo inis kong tanong dahil
hindi nga nasagot ni Enzo ang tawag ko.
“Ano kasi Ron… Si Enzo…” Hindi pa man natatapos ni Jane ang nais
sabihin ay agad ko itong pinutol dahil nag-alala ako kung ano ang nangyari kay
Enzo.
“Bakit anong nangyari kay Enzo?!”
may tono ng pag-aalala. Siguro dahil alam ko ang pinagdaraanan n’ya,
brokenhearted katulad ko dati.
“H’wag ka ngang OA d’yan! Si Enzo ayun sa CR kanina pang suka ng
suka. Mantakin mo ba namang uminom
mag-isa, ayun sobrang lasing.”
Pagtataray ni Jane. “Nasaan ka ba
kasi nagpunta ha, ni hindi mo man lang nagawang tumawag para magpaalam!?” sa
mas mataray na boses.
“Akala ko naman kung ano na ang
nangyari… Dito sa Dubai…,” at bago pa man ako magpatuloy ay inudlot na ni Jane
ang sasabihin ko. Parang alam na kung
bakit ako nandito sa Dubai ngayon.
“Dubai… Para ano? Makipagkita at makipag-ayos kay Christian?”
pangunguwestiyon niya sa ginawa kong desisyon.
“Oo, alam mo naman diba…” at muli
akong akong nabusalan ng bigla itong magsalita.
“Oo alam ko tanga ka pero hindi
ko alam na ganyan na pala kalala ang katangahan mo para sa Christian na
yan! Hindi na kita pipigilan nagdesisyon
ka na. Sana lang mapangatawanan mo ng
maigi yang desisyon mong makipagbalikan kay Christian.” Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na
nitong pinatay ang awditibo ng telepono.
Iiling-iling na lang ako sa naging usapan namin ni Jane.
“Anong sabi ng kausap mo at
iiling-iling ka d’yan?” takang tanong ni Christian sa akin. Dahil ayaw kong masira ang gabi namin
nagsinungaling na lang ako sa kanya na walang masyadong importanteng usapan ang
naganap at ang tanging katotohanan na nasabi ko sa kanya ay ang pagkalasing ni
Enzo.
Matapos makapagbayad ay
napagpasiyahan namin na magtungo ng mall upang maglibot-libot muna bago umuwi
sa bahay nila Christian.
Sa pagkakataong ito na magkasama
kaming muli ni Christian tila parang bagong magkasintahan kaming muli. Lumabas muli ang pagiging sweet namin sa
isa’t-isa. ‘Yung tipong wala kaming
pakialam sa nakakakita sa amin.
Paminsan-minsan ay naglalakad kami ng magkahawak ang mga kamay, minsan bigla na lang s’yang aakbay sa
akin. Hindi ko alintana ang pwedeng sabihin
ng mga makakakita sa amin kahit nakaakabay s’ya sa akin o magkadaupan ang aming
mga palad habang hawak n’ya ang puting teddy bear at ako naman yung tatlong
lobong puti. Nagkakatawanan na lang kami
kapag nakikita namin ang reaksyon ng mga nakakasalubong namin. Kulang na lang balikan namin isa-isa ang mga
tsismosong mata at sabihin sa kanilang, “Inggit kayo?”
Matapos mapagod sa paglilibot ay
nag-aya na akong umuwi dahil masakit na ang paa ko kalalakad at isa pa gusto ko
ng magpahinga kasama s’ya. Pagdating ng
bahay ay agad kaming humiga sandali.
“Buddy…” pagtawag ni Christian
habang nakahiga ako sa kanyang bisig at nakapikit ang mata.
“Hmmm… bakit Budz?” tanong ko.
“Buddy… Alam mo bang sobrang saya
ko ngayon… Kasi sa hindi nasayang ang ginawa kong surprise at lalong sumaya ako
kasi hindi nasayang ang paghihintay ko sa yo.
Mahal na mahal kita Ron.” Kahit nakapikit ako dama kong tumagilid s’ya
at humarap sa akin kahit pa naka-unan ako sa kanyang bisig. Nanatili akong nakapikit at hindi sumagot sa
kanyang sinabi. “Uyyyy… Ang Buddy ko
nagtutulug-tulugan…,” Pinilit kong hindi
matawa sa kanyang sinabi pinanatili ko ang pagkakapikit ko. “Ayaw mo talagang kumibo d’yan ha…” Inalis n’ya ang kanyang braso na inuunanan ko
at naramdaman ko ang mabilis na pagdagan n’ya sa aking ibabaw.
“Umph!” impit na tunog lang ang nagawa ko dahil sa
bigat na nakapatong sa akin ngayon.
“Ayaw mo kasi akong pansinin ih…
ito ewan ko na lang kung di ka pa rin mamamansin…” bigla niyang sinunggaban ng halik ang aking
mga labi. Halik na sadyang kinasabikan
kong matikmang muli. Napakabanayad
ngunit punung-puno ng pagnanais at pagmamahal.
Napakasarap damhin ang bawat galaw ng kanyang mga labi. Ang banayad na halik ay naging mapusok ngunit
mapagkalinga. Dinala ako ng bawat
paggalaw ng ng mga ito sa ibang dimensyon, na kung saan kaming dalawa ang
bumuo. Dito malaya kaming makagawa ang
mga gusto naming mangyari sa amin.
Ang sumunod na nangyari ay ang unti-unting
pagtanggal ng aming mga saplot na tuluyang nagpadarang sa apoy ng aming nararamdaman. Nanginig ang bawat hibla ng aking kalamnan sa
bawat dampi ng ng aming balat. May kung
anong kuryente ang dumadaloy sa aking mga ugat upang maging sanhi ng lalong
tumindi ang pagnanais kong matikmang muli ang sandaling aming pinagsaluhan
katulad ng dati, sandaling pinapadama namin kung gaano namin kamahal ang
isa’t-isa. Naging mapagparaya ang bawat
kilos ko at naging mapagkalinga naman si Christian. Halos sabay naming nilasap ang sarap. Sabay naming kinalimutan ang nangyari at
sinariwa ang damdaming natulog.
Matapos pagsaluhan ang init ng
damdamin ay yumakap ako kay Christian habang hinahaplos n’ya ang buhok ko.
“Ang tagal kong inasam na
mangyari ulit ang bagay na nangyari sa ‘tin kanina. Walang araw na hindi kita inisip. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang
nangyari. Walang araw na hindi ko inasam
na magbalik ka at makasama ko muli.
Walang araw na hindi kita minahal…” matapos sabihin ni Christian ang mga
katagang ito ay hinalikan niya ang noo ko.
Iniangat ko ang aking mukha at
tumingin sa kanya habang nanatili sa pagkakayakap sa kanya. “Kung alam mo lang kung gaano kaong nangulila
sa ‘yo. Kung gaano kong ninais na
magkabalikan na tayo kahit pa hadlang na ang mga kaibigan ko sa relasyon
natin. Pero, hindi na nila mapipigilan
ang desisyon ko… Mahal kita and I am willing to take the risk again of having
you back into my life… Nagkalayo man tayo noon, hindi naman huminto ang
pagtibok ng puso ko para sa ‘yo kasi ikaw na ang laman nito at hindi ko yata
hahayaang mawala ang taong mahal na mahal ko… Ang taong nagpadama sa akin na
mahalaga ako sa buhay nya at higit sa lahat ang taong nagpanumbalik ng dating
Ronald…” matapos bitawan ang huling salita ay mahigpit kong niyakap si
Christian tanda na sobrang na miss ko s’ya at gusto kong bumawi sa mga panahong
hindi kami magkasama. Nanatili kami sa
ganoong posisyon, nakaulo ako sa kanyang braso at nakayakap sa kanya. Hanggang sa nakatulog kami ng hindi namin
namamalayan.
Ang sarap sa pakiramdam ng wala
kang iniintinding mabigat na dinadala.
Yung tipong tuluyan ka ng nilisan ng pighati at handa ka ng harapin ang
kinabukasan kasama ang taong mahal mo na kahit may mga taong alam mong
hahadlang sa relasyon n’yo ay hindi mo iindahin dahil sa pagkakataong ito may
magiging kakampi at kasangga ka sa pagharap sa mga trials that will come along
the way. For now, all we have to do is
to enjoy each moment that we are together and catch up on the days that we are
not together. Wala akong sasayanging
sandal sa pagkakataong ito. Gagawin ko ang
lahat para lalong mas tumatag pa ang samahan naming dalawa.
Nagising na lang ako kinabukasan
ng isang halik mula kay Christian.
“Good morning Budz!” sabay bigay ng napakagandang ngiti na halos
ikatunaw ko. Lalo pa’t nakita ko na
naman ang kanyang mala anghel na mukha.
“Good morning Buddy!” Magiliw kong tugon at idinampi niya ang
kanyang mga labi sa aking mga labi.
“Tumayo ka na d’yan at baka
matraffic ka pa pabalik ng Abu Dhabi.
Maligo ka na at ako naman ay magluluto.”
Sabay hatak sa kamay ko dahilan upang ako ay mapilitang tumayo. Sa totoo lang gusto ko pa sanang hindi muna
pumasok at mag-stay na lang muna kasama ni Christian kaya lang katatapos lang
ng bakasyon ko baka sabihin sa akin ng amo ko masyado na akong nag-ti-take
advantage sa kabaitan n’ya sa akin kaya kahit labag pa man sa kalooban ko ang
umalis at bumalik sa Abu Dhabi ay wala akong magawa kundi sundin na lang si
Christian. Agad kong inilabas ang baon
kong damit na pamalit at tumungo na ng CR upang makaligo habang s’ya naman ay
naghahanda na ng breakfast naming dalawa.
Matapos makapag-ayos ng sarili at
makapag-almusal ay agad akong inihatid ni Christian sa bus station. Buti na lang at ng dumating ako ay sandal
lang ang naging paghihintay ko at napuno agad ang bus. Nagawa kong makatulog sa byahe dala na rin
siguro ng maaga kong paggising kaya tinamaan ako ng antok.
Naging mabilis ang biyahe namin
dahil na rin siguro maaga akong umalis at hindi nakasabay sa rush hour ng Dubai
kaya pagdating ko ng Abu Dhabi ay nagawa ko pang makauwi muna. Nang makarating ako ng bahay ay nakita ko si
Enzo na tulug-na tulog. Bigla akong
nainis sa gulo ng kwarto na nakita ko.
Ang daming nagkalat na basyo na lata ng beer mga balot ng chips na sa
tingin ko ay ginawang pulutan at higit sa lahat ang dumi ng kama ko. At ang kinagalit ko ng todo ay ang
pagsisigarilyo sa loob ng kwarto nagkalat ang upos sa buong kwarto at ang mga
filter ay nagkalat sa lapag. Gusto kong
gisingin si Enzo at bulyawan sa kanyang ginawa pero pinilit ko pa ring
pakalmahin ang aking sarili upang hindi masira ang good mood na binigay ni
Christian sa akin. Nag-iwan na lang ako
ng note sa gilid ng table para kay Enzo.
Inilagay ko ang dala kong bag sa cabinet ko at umalis agad upang
pumasok.
Kahit pa medyo inis ako sa
dinatnan ko sa bahay naging magaan naman ang buong araw ko dahil kay
Christian. Walang minuto na hindi ito
nagse-send ng message sa akin o kaya naman ay tatawag sa office. Kaya naman inspired akong magtrabaho at
panadalian kong nakalimutan ang magulong kwarto na aking inabutan dahil napawi
ng mahal ko ang inis na aking nararamdaman at napalitan ng kilig na nagbigay ng
drive sa akin na pagbutin ang trabaho ko sa araw na iyon.
“You look so happy. Are you inspired?” tanong ng tsismoso kong amo isang maaliwalas
na ngiti lang ang itinugon ko dito bilang pagsang-ayon sa kanyang sinabi. “So it means you really are inspired. I can see now the old Ron, the enthusiastic
one,” sabay tapik sa aking balikat.
Maayos kong nagawa ang mga
trabaho ko. Katulad ng dati walang gaanong
hassle sa naging takbo ng araw ko.
Nagliligpit na ako ng gamit ko
dahil tapos na ang duty ko ng tumawag si Jane.
“Hello Ron…” bungad nito.
“O, bakit ka pa napatawag pauwi
na ako?” tugon ko dito habang inaayos
ang mga papeles na trabahuhin ko kinabukasan.
“Ano ba naman ‘tong kaibigan mo
wasalak!?” inis na wika nito. “Hindi pa
nahihimasmasan sa ininom kagabi ito na naman at may balak na namang uminom
hindi ko mapagsabihan kasi baka sabihing nanghihimasok ako sa buhay n’ya. Bilisan mong umuwi at pagsabihan mo
‘to,” pagrereklamo nito.
“Okay sige uuwi agad ako. Hinihintay ko lang ang tawag ng driver
namin.” Nagmamadali kong inilock ang
drawer ng table ko. Kinuha ang mga gamit
ko at ako na mismo ang tumawag sa driver upang makauwi na. “Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo
Enzo?” bulong ko sa sarili.
Ilang minuto lang ang tinagal ng
biyahe pauwi ng bahay. Agad akong
dumiretso kahit pa may bibilhin pa sana ako sa grocery ay mas inuna ko pa ang
makauwi at makausap si Enzo about sa inaasta nya.
Pagpasok ko ng bahay ay agad
akong dumiretso sa kwarto naming ni Enzo.
Naglinis naman ito at pinalitan na rin ang bed sheets. Ang kaninang iniwan kong parang nabagyo
ngayon ay maayos na. agad na hinanap ng
aking mata kung nasaan. Tinignan ko sa
sala ngunit wala ito. Pinuntahan ko sa kusina
ngunit wala rin tanging ang niluto niyang ulam lang ang aking naabutan. Agad akong pumunta sa kwarto ni Jane upang
tanungin kung nakita nila si Enzo.
“Jane… Jane… Jane…,” pagtawag ko
dito.
“Nandito ako sa loob, pasok ka.”
Agad akong tumuloy sa loob ng
kwarto nila Jane. “Alam mo ba kung saan nagpunta si Enzo?” pagtatanong ko.
“Hindi. Kanina nakita ko lang s’ya na may kausap at
nadinig ko na mag-iinom sila kaya nga kita tinawagan. Tapos n’un nagluto lang s’ya. Naligo at umalis ng walang paalam. Hindi ba nagtext sa ‘yo?” Pagpapaliwanag nito sabay balik tanong sa
akin. Umiling lang ako upang ipahiwatig
na hindi ito nagpaalam sa akin at lumabas na rin ako ng kwarto.
Kinuha ko ang telepono ko upang
tawagan si Enzo at alamin kung nasaan.
“Hello… Nasaan ka?” bungad kong
tanong ng sagutin nito ang tawag ko.
“Dito ako sa bahay ng kaibigan
ko, mag-iinom. Nakakahiya kasi ‘pag
d’yan pa ako nagkalat sa kwarto…” hindi
pa man s’ya tapos sa kanyang sinasabi ay sumabat agad ako.
“So d’yan hindi ka mahihiyang
magkalat? At nakidayo ka pa ng inuman
para lang sa bisyo mo? Mag-isip-isip ka
nga Enzo. Pumunta ka dito para makalimot
hindi para maging adik sa alak. Bumalik
ka na dito at hindi naman madadaan sa alak ang problema mo. Harapin mo ‘yan at h’wag mong takbuhan!” panenermon ko dito. Sa totoo lang nakukunsensya naman ako sa
pinagsasabi ko sa kanya. Alam kong wala
akong karapatang panghimasukan ang buhay n’ya pero bilang isang kaibigan ayaw
kong matulad sya sa nangyari sa akin dati na nilunod ang sarili sa pag-inom ng
alak para lang makalimot ngunit pagdating ng huli ganon pa rin, ramdam ko pa
rin ang sakit na dinulot sa akin. “Ayaw
kong alak ang maging escape goat mo para lang makalimot. Pwede naman nating pag-usapan dito kung ano
man ang problema mo. Hindi kayang
burahin ng alak kung ano man ang pinagdaraanan mo ngayon. Maaaring makalimot ka panandalian pero
paggising mo ba wala na ang problema mo?
Bumalik ka na dito. Hihintayin
kita.” Hindi ko alam kung ano ang naging
reaksyon n’ya sa mga pinagsasabi ko over the phone pero narinig ko na lang
itong nagpaalam at sinabing next time na lang daw sila uminom dahil may
nakalimutan daw s’yang gagawin.
“Sige hintayin mo ko pauwi na ako
d’yan. Give me twenty minutes.” Sabay baba ng tawag.
Ilang saglit pa ay nakita ko na
itong pumasok ng bahay habang ako ay naninigarilyo sa may sala. Dumiretso ito sa loob ng kwarto. Agad kong tinapos ang paninigarilyo ko at
sumunod na dito.
“Hindi mo pa rin ba kayang
harapin ang problema mo at kumukuha ka ng lakas ng loob sa alak?” pag-uumpisa
ko.
Nanatiling nakayuko si Enzo at
walang kibo.
Ilang minuto ng katahimikan.
“I cannot barely forget him…” as
he started to talk. Pero sandali tama ba
ang narinig ko? HIM?
“A-anong ibig mong sabihin?”
litong tanong ko. Sa pagkakaalam ko ay
straight si Enzo. Sa tikas ng katawan
nito at lakas ng dating. Walang
mag-aakala na kabilang pala s’ya sa mundong ginagalawan ko.
“Isa din akong bisexual.” Lakas loob nitong pagsisiwalat. Napatulala lang ako sa aking narinig. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon
ko dahil kahit pa man bisexual ako hindi ko man lang nabanaagan ng kakaibang
kilos ito na isa rin s’yang Adan na may puso ni Eba. “At ang taong sanhi ng sakit na nararamdaman
ko ngayon ay si Allan…” isa pang
rebelasyon na aking ikinagulat.
“Pe-ro… pa-anong… ba-kit?” ang
mga tanong na halos hindi ko maisatinig dala ng pagkabigla sa aking mga
narinig.
Si Allan ang isa sa mga close
friends ko sa dati kong pinagtatrabahuhan sa Pilipinas at sa totoo lang walang
hindi lilingon sa taong ito. Malakas ang
sex appeal nito mapa babae man o lalaki magsasabing talagang iba ang taglay
nitong kaguwapuhan.
Tumabi ako kay Enzo at hinawakan
ang kanyang kamay. “Ano bang nangyari
Enzo? Handa akong makinig sa ‘yo pero
kung hindi ka pa handa hindi kita pipilitin.”
PInisil ko ang kanyan kanyang kamay upang ipahiwatig na nandito lang ako
handang dumamay sa kanya.
Nanatili ang kanyang katahimikan,
bigla na lang nagpakawala s’ya ng isang malalim na buntong-hininga. “I never thought that I would fall for Allan…
ako ang naging takbuhan n’ya sa lahat ng bagay… we became close simula ng
naging trainor ko s’ya lalo pa noong laging nagkakasabay ang duty naming dalawa
hindi ko alam kung sinasadya ba talaga ng pagkakataon na magkasama kami sa
iisang shift o talagang nagkataon lang ang lahat…” Panandalian s’yang tumigil sa pagkukwento at
pinunas ang kanyang mga mata na walang sawa sa pagpapalabas ng mga tubig na
bumabasa sa kanyang mga pisngi. “Hindi
ko inakalang sa mga simpleng paghingi n’ya ng payo tungkol sa love life n’ya at
ang minsanang pagba-bonding naming dalawa… mahuhulog pala ang loob ko sa kanya…
ang hirap lang nito pilit kong pinipigilan ang mainlove sa kanya ng todo pero
habang pinipigil ko ang sarili ko s’ya naman ang lapit ng lapit… minsan
nagsisinungaling na lang ako para lang makaiwas sa pag-aaya n’yang
makipag-bonding… pero kilala n’ya ako kung kailan ako nagsisinungaling at kung kailan
ako nagsasabi ng totoo…” lalong bumuhos
ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko
alam paano pa syang papatahimikin. Inilagay
ko ang kanyang ulo sa aking balikat habang patuloy kong hinahaplos ang kanyang
buhok.
Nakakaawa ang kalagayan ni
Enzo. Anong tulong ba ang maibibigay ko
sa kanya? Paano ko ba s’ya maiaahon sa
sakit ng kalooban na kanyang nararamdaman?
Paano?
Itutuloy…
Hahaha nice story.. Kailan yung next chapter at ano kaya talaga magiging parte ni enzo sa buhay ni christian at ron magiging mitsa ng isang gulo o ang magpapatatag sa dlawa at sino nga ba si allan na minahal si christian tila naging salamin ni christian si enzo sa pagkakapareho nila.haist ang ganda.love it.hihi next chapter na august na.hihi
ReplyDelete-marc