Photo by: Justyn Shawn
Ilang taon na din akong
naninilbihan sa pamilyang Santiago. Ilang taon na din silang pilit na bumubuo
ng isang supling ngunit hindi sila mabiyayaan. Nagpakunsulata sila sa doktor
ngunit wala naman daw sa kanilang may problema. Nagpupunta din sila sa Obando
tuwing Mayo upang sumama at makisayaw tuwing kapistahan ng Nuestra Senora de
Salambao. Naniniwala silang isang
milagro na lang ang makakatulong sa kanila upang magkaroon sila ng pinapangarap
na anak.
Isang gabi habang nag-aayos ako
sa may kusina.
“Manang Ising! Manang Ising!” ang pagtawag sa akin ni Ma’am
Carmela.
“Ano po yun Ma’am?” ang dagliang
paglapit ko sa kanya.
“Manang may batang umiiyak yata
sa labas. Parang iyak ng baby. Pwede po bang samahan nyo ako?” ang tila
nagtatakang wika nito sa akin.
Agad naming tinungo ang gate
upang makita kung ano ang ingay na narinig namin sa loob. At sa aming gulat ay nakita namin ang isang
batang nakabalot sa isang tila mamahaling tela.
Ang ipinagtataka ko ay hindi ito ordinaryong pambalot. Kulay pula ito na may lining na gold at may
nakaburdang letrang S. Parang galing sa
isang mayamang pamilya ang batang iniwan sa harap ng bahay ng mga Santiago. Nagpalinga linga kami upang malaman kung nasa
malapit pa ang taong nag-iwan sa bata, ngunit wala kaming nakita. Kaya naman nagpagdesisyunan ni Ma’am Carmela
na pumasok na.
“Hindi ba napakaganda nyang bata
Ising? Sinong magulang ang kayang tiisin
ang isang mala anghel na mukha tulad ng sa batang ito? Mga walang puso.” Ang tinig ng may pagkutya
sa ginawang pag-iwan ng mga magulang sa batang tangan-tangan niya ngayon.
Eksaktong dating naman ni Sir
Ricardo, ang asawa ni Ma’am Carmela.
Nagulat ito ng makitang dala-dala ang batang napulot namin kanina sa
labas ng gate.
“Honey. Sino ang batang yan? Saan galing?
Kaninong anak yan? Sino ang mga magulang nyan?” ang halos sunud-sunod na
tanong nito sa asawa.
“Hi honey. Hindi ko rin alam hon. Nakita na lang naming itong kawawang baby sa
labas ng gate natin iyak ng iyak. Wala
naman kaming nakitang tao na naglalakad or tumatakbo sa daan. Ang weird nga ih. Hindi kaya sya na ang sagot sa lahat ng dasal
natin?”
Nabuhayan ang mag-asawa at
nagkaroon ng pag-asa ng dumating sa kanila ang batang napulot at binigyan nila
ito ng pangalang Serafina.
Naging magiliw ang pagtanggap ng
mag-asawa sa bata. Tunay na anak ang
turing nila dito sa kadahilanang hindi na talaga sila pinagkalooban na
magkaroon ng sarili nilang supling.
Naging mabuting magulang sila at maging si Serafina ay naging mabait at masunuring
anak.
Ngayon ang ika-labing-walong
taong kaarawan ni Serafina. Sobrang
pinaghandaan ng mag-asawang Santiago.
Lumaking napakagandang bata ni Serafina.
Kung tititigan mong mabuti ang kanyang itsura masasabi mong ibang lebel
ng kagandahan mayroon ang batang ito.
Angat sa hitsura ng pangkaraniwang teenager. Tila isang prinsesa sa kagandahan.
“Ang bilis ng panahon Manang
Ising parang kaylan lang nung mapulot natin sya sa harap ng bahay ngayon heto
na sya at magde-debut.” Ang pagkukwento ni Ma’am Carmela na medyo nangingilid
ang luha sa mga mata habang nakatingin sa anak na inaayusan para sa gagawing
pagtitipon sa hardin ng kanilang bahay.
Sa totoo lang hindi kasi
ipinaalam ng mag-asawa ang na ampon lang si Serafina. Kahit sino sa bahay ay hindi na pinag-usapan
ang araw na inampon ng mag-asawa si Serafina, sa pakiusap na rin nila.
Handa na ang lahat at ang mga
panauhin ay unti-unti ng nagdaratingan.
Bakas sa mukha ng pamilya Santiago ang saya sa pagpapakilala nila sa
nag-iisa nilang anak na si Serafina sa tao bilang tanging tagapagmana ng
kanilang ari-arian. Nakakamangha ang
pagkakaayos ng hardin. Napapaligiran ito
ng naggagandahang mga ilaw na pinalamutian pa ng mga magagarang bulaklak bukod
pa sa mga halamang tanim na sadyang lalong nagpaganda sa lugar.
Nag-umpisa na ang salu-salo. Nagsasalita na ang haligi ng pamilya si Sir
Ricardo upang ipakilala na ang kanilang unica hija.
“At long last, the most awaited
moment of this girl’s life has finally arrived. For our lovely debutante, this is
the start of the realization of her dreams. Time is indeed so fast, that we
haven’t even noticed how our little girl has become, and bloomed into a lady…”
hindi pa man natatapos ang pagsasalita ni Sir Ricardo ay may kung anong liwanag
ang biglang lumitaw malapit sa entablado.
Mula sa liwanag ay lumabas ang isang lalaking may kakaibang
kasuotan. Kulay pulang seda ang kanyang
damit na mahaba na may mga linya ng ginto sa bawat laylayan nito. Nataranta ang lahat sa nakita at
nagkagulo. Ang inaasahang magandang
pagpapakilala kay Serafina ay nauwi sa kaguluhan.
“Consisto!” ang sigaw ng
lalaki. Hindi ko alam kung namalik mata
lang ako ngunit ang lahat ay huminto matapos bigkasin ng lalaki ang
kataga. Maliban kay Serafina. Lumapit ang lalaki at tila nagtalo sila
nagulat ako sa aking nasaksihan may lumabas na tila bolang apoy sa magkabilang
palad ni Serafina, na kanya ring ipinagtaka. Dahil na rin siguro sa kagustuhang iligtas ang sarili sa pagsulpot ng isang hindi kilalang lalaki ay kanyang
ibinato sa lalaki ako ngunit naging maliksi ang kilos ng lalaki at ito ay
kanyang nasalo at biglang naglaho ang apoy.
Gulung-gulo ako sa aking nakikita
hindi ko mawari kung ano ba talaga ang nangyayari. Patuloy ang kanilang pagtatalo at batuhan ng
bolang apoy. Hanggang sa sumigaw ang
lalaki na nagpatigil kay Serafina sa pakikipag laban.
“Makinig ka Serafina! Ikaw ang aking nawawalang kapatid. Hindi ka normal na tao. Isa kang prinsesa. Sa Hestia ang kaharian ng mga engkantado ng
apoy. Itinakas ka ng ng iyong gabay
upang hindi madamay sa digmaang naganap sa ating kaharian at sa utos na rin ng
ating mahal na ina. Ako si Atash ang
iyong nakatatandang kapatid. Matagal na
naming hinihintay ang iyong pagbabalik mahal kong kapatid. At ngayon, nasa wastong edad ka na at pag-iisip, ito na ang tamang oras para ikaw ay bumalik sa ating kaharian.” sabay lahad ng palad na tila paghihikayat na sumama sa kanya si Serafina.
Tila gulo ang isipan ni Serafina sa mga pangyayari ngunit mabilis pa rin ang kanyang naging tugon sa lalaki. “Hindi! Wag mo kong linlangin sila ang aking mga
magulang hindi kung sino pa mang ponsyo pilato! Kaya bumalik ka na sa lugar
kung saan ka nararapat!” ang galit na
sigaw ni Serafina at biglang nagbato muli ng apoy.
“Magsitigil kayong dalawa!” ang
sigaw ng isang babaeng napakaganda. Lalo
na sa suot nitong roba na talaga namang napapalamutian ng mga magagarang
brilyante. Sa aking pakiwari ay siya ang
tinutukoy ng lalaki na kanilang ina.
Biglang ikinampay ng babae ang kanyang kamay at tila nahipnotismo si
Serafina ang galit nito ay nauwi sa pagtangis.
Hindi ko malaman kung ano ang ginawa ng babae upang mapaiyak ang alaga
ko ng ganoon. Napatakbo at napayakap si Serafina sa
babae habang patuloy na umiiyak.
Nag-usap sila ngunit hindi na naging malinaw sa akin kung ano ang
kanilang pinag-usapan. Matapos ang
pag-uusap ay muling ikinampay ng babae ang kanyang kamay at bumalik sa ayos
lahat ng nasira. Nabalik sa dating
pagkakaayos ang lugar ng kasiyahan.
Muling lumitaw ang nakasisilaw na
liwanag at naglakad papalapit dito ang dalawang dayuhan at walang lingon-lingon
itong pumasok at biglang nawala ang liwanag at muling nanumbalik ang kung ano
ang nangyari bago pa man dumating ang lalaki galing sa liwanag.
“At long last, the most awaited
moment of this girl’s life has finally arrived. For our lovely debutante, this
is the start of the realization of her dreams. Time is indeed so fast, that we
haven’t even noticed how our little girl has become, and bloomed into a lady.
Ladies and gentlemen, it is my pleasure to present to you the princess in the
limelight, the girl you can never find, and our star for tonight. Let us
welcome our debutante, our only daughter.
Miss Serafina Santiago.”
Naging masaya ang pagdiriwang ng ika-labing walong kaarawan ni Serafina kahit pa nalaman niya ang katotohanang hindi siya normal na tao. Itinago rin niya sa kanyang kinikilalang magulang ang katotohanang kanyang nalaman. Bagkus mas pinili ni Serafina na mamuhay ng normal kahit pa higit sa karangyaan ang meron sya. Mas pinili nyang mamuhay kasama ang normal na tao sa piling ng kinikilala nyang mga magulang.
Paminsan-minsan ay nawawala si Serafina marahil ay dinadalaw nya ang kanyang tunay na mga magulang. Naging masaya ang pamumuhay ni Serafina kasama ng mga normal na tao.
Naging masaya ang pagdiriwang ng ika-labing walong kaarawan ni Serafina kahit pa nalaman niya ang katotohanang hindi siya normal na tao. Itinago rin niya sa kanyang kinikilalang magulang ang katotohanang kanyang nalaman. Bagkus mas pinili ni Serafina na mamuhay ng normal kahit pa higit sa karangyaan ang meron sya. Mas pinili nyang mamuhay kasama ang normal na tao sa piling ng kinikilala nyang mga magulang.
Paminsan-minsan ay nawawala si Serafina marahil ay dinadalaw nya ang kanyang tunay na mga magulang. Naging masaya ang pamumuhay ni Serafina kasama ng mga normal na tao.
Isang araw nakita ko si Serafina na tangan ang
lampin na ipinambalot sa kanya ng amin s'yang mapulot at narinig ko ang kanyang sinabi.
“Babalikan kita Hestia. Sa oras na kailanganin mo ako.”
W A K A S
No comments:
Post a Comment