Photo by: Justyn Shawn
Gusto ko pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon. Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, Pop Star ng Korea, RGEE, rascal, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
“Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino
International Airport, Local time is 3:00 o’clock in the afternoon and the
temperature is 33 degrees celcius…” ito ang bungad ng flight attendant matapos
lumapag ang eroplanong sinasakyan ko.
Hudyat na malapit ng pumarada ang aming sinasakyan sa entrada ng gate na
aming lalabasan. Hudyat na rin ng
pagharap ko sa paghanap sa aking sarili.
Ang
sarap ng pakiramdam. Kasama ko ang aking
pamilya na matagal na ring nawalay sa akin.
Nagkamustahan, ibinigay ang mga pasalubong para sa mga kamag-anak. I had my quality time with my parents and
siblings. Hindi ko masyadong ininda ang
mga sakit na aking naranasan sa pag-ibig.
Masaya ako dahil kasama ko ngayon ang mga mahal ko sa buhay. Ngunit may mga pagkakataong nakakalusot pa
rin ang kalungkutan upang bisitahin ako.
Naging
maayos ang unang dalawang linggo ng aking pagbabakasyon. May mga araw na gumagala ako kasama ng mga
dati kong kasamahan sa trabaho. Gimik
dito, gimik doon ang ginawa ko upang libangin ang sarili. Nandyang ayain ko ang buong pamilya upang mag
outing. Lahat ng paraang alam ko upang makalimot
ay ginawa ko na. Ngunit nakalimutan ko
ang tunay na pakay ko kung bakit ako nagbakasyon. At ito ay ang hanapin ang sarili ko, ang
hanapan ng kasagutan ang nararamdaman ko.
Isang
gabi na nag-iisa ako sa aking kwarto at nagmumuni-muni kung bakit ako nandito
ngayon sa Pilipinas. Ano nga ba talaga
ang dahilan at kailangan kong lumayo at mag-isip? Hindi ko na nga ba kayang bigyan pa ng
pangalawang pagkakataon si Chrisitian?
Kakayanin ko pa kayang magmahal muli?
Ang daming tanong na kaylangan kong hanapan ng kasagutan.
“Anak, ang
lalim ng iniisip mo ha, may problema ba?
Gusto mo pag-usapan natin?” ang hindi ko namalayang pagpasok ng aking
ina sa loob ng aking kwarto at tumabi sa akin.
“Akala
ko kakayanin kong kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi pala. Bago ako magbakasyon pinuntahan nya ako sa
bahay upang humingi ng tawad sa hindi nya pakikinig sa akin. Akala ko kaya ko na syang harapin matapos ang
nangyari sa amin. Akala ko matatag na
ako. Pero lahat pala puro akala lang.” Ang paglalahad ko sa aking ina habang
nakayuko ako at yakap ang aking unan.
“Nak,
alam mo. Minsan kung kaylan mo
inaakalang nakalimutan mo na ang isang bagay tsaka naman susubukin ng tadhana
ang tatag ng iyong kalooban. Mahal mo pa
sya?” Tanging tango lamang ang aking naisagot sa aking ina biglang
pagsang-ayon. Nanatili akong nakayuko
kaya naman itinaas ng aking ina ang aking mukha. “Mahal mo pa sya pero nagdadalawang isip ka
kung dapat pa ba syang mahalin?” Hindi
ko na namalayang dumadaloy na pala ang luha sa aking mga mata at nanatiling
tahimik lamang. Sa puntong ito,
hinawakan nya ang aking mga kamay na parang sinasabing kung kaylangan mo ng
masasandalan nandito lang ako. “Kaya ka
ba nagdesisyon na magbakasyon ng biglaan para hanapin ang kasagutan sa tanong
sa isip mo?” Wala akong maitago sa aking ina.
Kilala nya ang kilos at alam nya ang tumatakbo sa isip ko. Tama ang lahat ng kanyang sinabi. Para akong sinampal sa mga pahayag nya.
“Ma,
anong gagwin ko? Gulung-gulo na po ako.”
ang paghingi ko ng payo habang patuloy ang pagdaloy ng luha sa aking mata. Pinahid ito ng aking nanay at inihilig ang
aking ulo sa kanyang balikat at hinawakang muli ang aking kamay. Kahit na medyo hirap ang kalooban ko alam
kong may karamay ako. Dama ko ito sa
presensya ng mahal kong ina.
“Anak,
sa pag-ibig laging kadamay nyan ang sakit.
Kung hindi ka masasaktan, hindi mo malalaman kung paano magmahal. Walang perpekto pagmamahalan. Maraming pagsubok ang pagdaraanan upang
subukin kung gaano katatag ang inyong pagtitinginan sa isa’t-isa. Nasa inyo na yong magkarelasyon kung paano
nyong haharapin ang bawat dagok na ibibigay sa inyo ng tadhana. Pag-intindi sa isa’t-isa, tiwala, at respeto
ang kaylangan upang malampasan nyo ang mga trials. Minsan nakakagawa tayo ng mga desisyon sa buhay na
pagsisisihan natin sa bandang huli. Ngayon anak ang tanong ay kung kaya mo pa ba
syang tanggapin matapos ang mga bagay na nagawa at nasabi nya sa yo? Kung makakaya mo, then give him second
chance. Kung sa tingin mo karapat-dapat
pa sya sa pag-ibig mo hindi masamang magsimula kayong muli ng panibagong yugto
ng samahan ninyo.” Ang mahabang paglalahad ng aking ina habang paulit-ulit niyang
hinihimas ang aking ulo. Para akong
isang musmos na nagsusumbong sa kanya ng mga oras na iyon.
Sa
totoo lang tama ang aking ina sa lahat ng kanyang sinabi. Ngayon naisip kong hindi lang si Christian
ang nagkulang sa relasyon namin, pati ako.
Kung naging bukas lang ang komunikasyon naming dalawa hindi naman
hahantong ang lahat sa ganito. Masyado
akong natali sa pag-ibig ko kay Lee. Sa
pait ng kahapon. Na nakalimutan kong may iba na palang tao akong kasama
ngayon. Ibinuhos ko ng lahat ng
nararamdaman ko sa aking ina. Iniiyak ko
na ang lahat ng sakit sa paniniwalang sasama na ang lahat ng sakit sa bawat
luhang pumapatak sa aking mata. Na
malilinis ng mga luha ko ang mga mapapait na ala-ala.
“Maraming
salamat Ma. Dahil ngayon ay nalinawan na ako. Mahal ko pa rin sya at handa na akong bigyan
sya ng pangalawang pagkakataon at magsimula ng bago.”
“Tandaan
mo anak. Sakaling hindi umubra, nandito
lang kami lagi para sa yo.” Sabay halik
sa aking noo.
Matapos
ang pag-uusap namin ng aking ina ay naging mas maluwag ang dibdib ko. Umaliwalas ang pag-iisip ko. Unti-unti ng nagkaroon ng linaw ang mga
katanungan sa aking isipan. At higit sa
lahat nararamdaman ko ng malapit ng bumalik ang dating Ron. Ang Ron na positive ang outlook sa
buhay. Ang Ron na masayahin kahit
maraming problemang pinagdaraanan. Ang
Ron na matatag sa lahat ng pagsubok.
Masyado kong namiss ang dating ako.
“Hello
Jane, kamusta na kayo dyan? Miss ko na
kayo.” Ang bungad ko.
“Ito OK
naman kami. ikaw kamusta ang bakasyon mo
dyan? Masaya ba? Nakalimot ka na ba? Wala na bang sakit? Malapit ka na palang bumalik no. Yung pasalubong ko ha wag mong
kalimutan. Masaya na ako sa tuyo.” Ang dirediretsong tanong ni Jane at syempre
hindi kinalimutan ang habilin na pasalubong.
“Ok na
ako. Malinaw na ang isip ko. Masaya naman ang bakasyon ko. At kaya ako tumawag sa yo kasi nawala ko yung
number ng car lift na binigay mo.
Magpapa arrange ako ng pick-up sa airport. Text ko na lang sa yo yung flight details ko
para mainform mo sya. At wag kang
mag-alala sa pasalubong mong tuyo.
Madami akong dadalhin.
Sandamakmak!” Matapos ang tawag ay agad kong itinext si Jane about sa
flight details ko. Ilang saglit pa ay
naconfirm na nya na may susundo na sa akin sa pagbalik ko.
Ilang
araw na lang at babalik na ako ng UAE.
Ang bilis lumipas ng araw. Parang
feeling ko ngayon pa lang nag-uumpisa ang bakasyon ko. Ngayon pa lang akong
nag-eenjoy. Kasi nga ngayon pa lang
luminaw ang isipan ko sa mga bagay na gumulo sa akin. Kung pwede lang akong mag extend ng bakasyon
kaya lang hindi na pwede. Kaya susulitin
ko na tong time na to. Magbabonding ulit
kami ng pamilya ko bago ako umalis muli.
Para pagbalik ko may masasayang ala-ala muli akong mabibitbit upang sa
tuwing malulungkot ako ay iyon na lang ang iisipin ko.
Ngayon
ang araw ng pagbalik ko sa galing ng bakasyon.
Nag-ayos ako ng gamit sa loob ng kwarto ng pumasok si papa.
“Mukhang
handa na ang anak ko. “ ang bungad ng aking ama.
“Pa,
ikaw pala. Opo. Dami na sigurong work na naghihintay sa kin
don pagbalik ko.”
“Nak,
tandaan mo ha. Iwan ka man ng mga taong
minahal mo kahit anong mangyari nandito pa rin kami ng mama mo at ng mga
kapatid mo handang sumuporta sa yo.” Sa
sinabing iyon ng aking ama ay iniwan ko ang aking ginagawa at nilapitan sya
upang yumakap.
“Salamat
pa, salamat sa lahat lalo na sa pagtanggap ng pagkatao ko.”
“Kahit
ano ka pa, tanggap kita. Kasi mahal kita
at anak kita. Sige na ayusin mo na ang
mga gamit mo at baka mahuli ka pa sa flight.”
Ito ang pinakatumagos sa puso ko ang mga salitang galing sa aking ama.
Matapos na maiempake ang lahat ng gamit ko ay
nag-ayos na ako ng sarili upang pumunta na ng airport. Ang hirap ng pakiramdam ng iiwan kong muli
ang pamilya ko upang bumalik sa ibang bansa at makipagsapalarang muli. Mas mabigat kaysa sa unang pag-alis ko. Pero may bagay pa akong dapat isettle at
syempre para matulungan pa rin ang pamilya ko.
Kaya kahit mabigat sa kalooban ko kaylangan kong magpakatatag muli.
Walong
oras ngunit tila napakatagal. Hindi ko
alam kung ano ang una kong gagawin kung sakaling dumating ako sa Abu
Dhabi. Hihintayin ko na lang bang
tumawag si Christian o ako na ang gagawa ng paraan upang makapag-usap
kami? Kung hindi ako gagawa ng paraan
baka walang mangyari. Ano kaya ang
magiging reaksyon ni Jane kung malaman nyang babalikan ko si Christian? Magagalit yun, pero mas mahalaga sa akin ang
magkaayos kaming muli ni Christian, isa pa ako naman ang makikisama hindi sila, ako naman ang masasaktan kung sakali man
hindi sila. Sana sa pagkakataong ito
maging maayos na ang pagsasama naming dalawa.
Sana mas maging matatag kami at mas maging mature sa paghawak ng
relasyon sa pangalawang pagkakaton. Ito
ang mga bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan sa byahe. Ni hindi ko man lang nga nabawasan ang mga
pagkaing naihain sa akin during the duration of flight. Nanonood ako sa monitor ngunit hindi ko naman
maintindihan dahil sa kabang aking nararamdaman.
“On behalf of Middle East Airways
and the entire crew, I’d like to thank you for joining us on this trip and we
are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice evening!” ang mga salitang nakapagbalik sa aking
katinuan.
Ito na to. Oras na para harapin ang totoong damdamin
ko. Ang harapin ang taong mahal ko.
Madali lang akong nakarating sa
bahay dahil na rin sa nakontrata kong sundo.
Pagpasok ko pa lang ng bahay ay si Jane agad ang bumungad sa akin.
“Musta ang bakasyon. Mukhang hiyang ha. Medyo tumaba ka.” Ang pagpuna ni Jane sa
akin.
“Hindi naman. Sabihin na lang nating naliwanagan lang ang
utak ko. Pasok muna ako at mag-aayos ng
gamit. Bukas may pasok na eh.” Ang pagdedepensa ko. At pumasok muna ako sa aking kwarto upang
maayos ang mga dala ko.
Matapos mailabas at maiayos ang
lahat ng gamit na dala ko at ang mga pasalubong humiga muna ako sandali at
nagpahinga. Agad akong nakatulog dahil
na rin sa pagod siguro sa byahe hindi ko na rin nagawa pang magpalit ng damit.
Nagising na lang ako ng madaling
araw dahil giniginaw ako hindi ko napala nagawang magkumot dahil sa pata talaga
ang katawan ko. Agad kong tinignan ang
cellphone ko upang tignan kung anong oras na.
May miscall akong nakita. Sobrang
pagod ko siguro at napasarap ng tulog kaya hindi ko naulinigan ang pagtunog
nito.
*UNKNOWN NUMBER*
“Sino kaya to at nakuha pang
tumawag?” ang tanong ko sa sarili kaya naman para malaman ko ay agad akong nag
call back.
Panay ring lang. sabagay para din naman akong tanga hindi ko
naisip na madaling araw na pala at talagang tinawagan ko pa. Kaya nagpalit na lang ako ng damit at agad
bumalik sa pagtulog dahil may pasok na ako mamaya.
Maaga akong nagising dahil may pasok
na nga ako. Bago pa man ako bumangon ay
kinuha ko muna ang cellphone ko at agad kong tinignan.
1 Message Received
“Kita tayo mamaya sa Abu Dhabi
Mall sa food court sa Il Forno after ng
work mo. Doon mo na lang malalaman kung
sino ako. I wil expect you to be there
on time at 4:00 PM since half day ka lang naman ngayon.”
Nagtataka ako kung sino ang
nagtext na ito dahil sya rin ang tumawag sa akin na unknown number. Sino sya?
Si Lee? Si Christian? Ang gulo.
Nagugulo ang utak ko ang aga-aga.
Kaya tumayo na lang ako at nag-ayos ng sarili at naghanda para sa
pagpasok muli sa trabaho.
And as expected ang dami kong
work ng araw na yun kaya naman hindi ko na naisip pa kung sino ang ponsyo
pilato na nagmessage sa akin.
“Hey Ron, aren’t you going home? Remember were just half day today. No OT’s” ang pag-papaalala ng kasamahan kong
ibang lahi.
At dito naalala ko ang text
message na nareceive ko nung umaga.
Nagpasya na akong iligpit na muna ang aking ginagawa at ilagay na lang
sa backlog ang report na ginagawa ko.
Exactly 3:45 PM dumating ako sa
tagpuang ibinigay sa akin ng texter na Unknown Number. Agad kong inilibot ang aking mata
nagbabakasakaling makakakita ng kakilala since he stated na kakilala ko sya.
Sa isang sulok isang lalaking
nakaupo at nag-iisa. Pinakatitigan ko
munang mabuti at kinilala baka mamaya magkamali ako. Pero hindi ako magkakamali kasi bigla syang
tumingin sa akin at nagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Sya nga.
Agad kong nilapitan.
“Ikaw pala ang nagtext. Musta na?”
Itutuloy…
bitiiiiinnnn........... hehe,, nxt chap na po..
ReplyDelete