Photo by: Justyn Shawn
Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga unexpected things that came up this past few days and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon? Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.
Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Facebook Group: https://www.facebook.com/groups/minahalnibestfriend/
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
Simula nga ng iniwan ako ni Christian ay bumalik ako sa pag-inom at paghang-out sa mga bar gabi-gabi upang makalimot. Ilang beses ko rin syang sinubukang kausapin ngunit lagi akong bigo. Lagi na lang nitong kinacancel ang tawag ko at kung magsesend naman ako ng text messages ay wala naman akong nakukuhang reply.
“Hindi ka ba napapagod at nagsasawa sa ginagawa mo?” ang tanong ng boses mula sa aking likuran.
"Kung kapaguran lang pagod na pagod na ako. Kung kasawaan lang sawang sawa na ako. Dahil paulit ulit na lang nangyayari sa akin ang masaktan pero anong magagawa ko hindi ko maiwasang hindi isipin ang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung sadyang pinaglalaruan ako ng tadhana o talagang wala lang akong swerte sa pag-ibig.” Ang malamig kong wika.
“Sa pag-ibig hindi mo maiiwasang hindi masaktan dahil kakambal na nito ang pagluha. Tandaan mo, kapag nagmahal ka, hindi lang puro saya ang mararamdaman mo dahil kakambal na nito ang sakit. You are still young, there are lots of possibilities and chances na darating pa sa yo. But for now, all you have to do is to accept the reality. It will help, masakit nga lang pero pagnatutunan mo ng tanggapin ang katotoohanan makakalimot ka din sa mga bagay na pinagdadaanan mo. And don't forget to always wear your smile. It will surely attract good vibes. There are many things in life worth smiling for. Keep Smiling. Cute ka pa naman. Pumapangit ka kapag malungkot ka. Kaya smile ka na ha. Ampangit mo na eh ”
Ngumiti akong pilit.
Tila naglagay ako ng maskara upang matakpan ang nararamdaman ko nung mga
sandaling iyon. Para ipakita kay Jane na
alam ko ang gagawin sa mga sandaling iyon. Na naaabsorb ng utak ko mga sinabi
niya. Na kaya kong mas isipin ang mga magaganda at masasayang bagay na
makapagpapasaya sa akin. Ngunit hindi. Ngumiti man ako, hindi pa rin nito
maitatago ang sakit na nararamdaman ko.
Ilang linggo na rin ang lumipas ngunit hindi pa rin kayang iabsorb ng
utak ko ang nangyari sa amin ni Christian. Hinahanap-hanap ko pa rin sya. Lagi ko pa ring inaasam na magkakaayos pa rin
kami. Pero hindi ko alam kung kaylan,
saan at kung may posibilidad pa nga na magkaayos pa kami.
“Hindi mo man lang ba ako sasamahang uminom
dito?” ang tanong ko kay Jane.
“Sige paalam lang ako
kay Roger. Balikan kita at kailangan after ng inuman natin you will try to move
on with your life.” Sabay tayo at pumunta sa kwarto nila upang magpaalam sa
kasintahan.
Naiwan akong tulala
habang patuloy ang paglagok ng mapait na alak upang makatulong na
makalimot. Ilang saglit pa ay bumalik na
si Jane sa kwarto. Umupo ito paharap sa
akin at agad na kinuha ang baso upang tumagay.
Si Jane ang isa sa
pinakamalapit kong kaibigan na nakasaksi ng lahat ng sakit na aking narasan sa
pag-ibig simula pa lang kay Lee hanggang kay Christian. Siya ang taong sinandalan ko ng magkalabuan
kami ni Christian.
“Ron alam mong hindi
lang best friend ang turing ko sa yo. I treated
you like one of my brothers na rin. Alam
mo na rin halos lahat ng kilos ko. At bilang
kaibigan at kapatid nahihirapan na ako sa pinagdaraanan mo. Kung pwede nga lang na tulungan kitang
buhatin ang bigat ng nararamdaman mo ginawa ko na. Kaya lang hindi mo matututunan kung sa lahat
ng panahon may taong tutulong sa yo.
Ron, sa ngayon wala ng iba pang makakatulong sa yo kundi ang sarili mo
na lang din. Kung hahayaan mo ang sarili
mo na alipinin ka ng sakit at pighati wala ng mangyayari pang maganda sa buhay
mo at lahat na lang ng bagay na tignan mo ay hindi mo na maaappreciate. Marami pang magandang bagay ang maaaring
mangyari. Huwag mong isarado ang pintuan
para sa mga opportunities na maaaring kumatok.
Huwag mong hayaang tuluyang masira ang buhay mo. Gawin mo to hindi para sa akin o para sa kung
sino man. Gawin mo to para sa sarili
mo. Sana hindi lang papasok sa isang
tenga at ilalabas agad sa kabila ang mga sinasabi ko. Intindihin mong lahat. Para rin sa yo yan Ron.” Ang mahabang
paliwanag ni Jane sa akin.
Tila isang malakas na
batok ang hatid ng mga sinabi sa akin ni Jane. Biglang bumuhos ang mga luha sa
aking mga mata. Niyakap niya ako. Dama ko na may karamay ako sa panahong iyon.
Hindi ko maiwasang
mapaisip sa mga tinuran ni Jane dahil sa totoo lang ramdam ko sa sarili ko at
batid kong tama ang lahat ng kanyang sinabi tungkol sa akin. Hindi ko na nga naaaappreciate ang mga bagay
na nakapaligid sa akin. At hindi ko na
rin napapansin ang mga magagandang bagay na nangyayari sa paligid ko. Tanging ang sakit lang ng aking damdamin ang
pinapansin ko wala ng iba.
Gusto kong nang
kalimutan ang pait ng kahapon at maghilom ang sugat na dulot ng nakaraan. Sana
ganun lang ito kadali. Sana natatakpan ng pait ng alak ang sakit na
nararamdaman ko. Sana simple lang ito. Sana katulad lang ito na kapag gutom ka,
pagkain ang sulusyon, kapag nauuhaw ka, tubig ang nakakapagalis ng tigang mong
lalamunan. Sana gaya din ito nang kapag napagod ka, pahinga lang ang sulusyon
ngunit hindi ee. Gutom na ang puso ko sa kalinga niya. Uhaw na ako sa
pagmamahal niya. Pagod na ang puso kong masaktan sa mga nangyayari. Ngunit
hindi ganon kadaling pagpahingahin ang pagod na puso. Sana pagpikit ko, hindi
ko na maramdaman ang sakit. Sana paggising ko, ibang ako naman ang haharap sa
panibagong hamon ng buhay. Mas matatag, mas alam ang gagawin. Mas hindi
nasasaktan.
Nakaupo ako sa kama. Umiiyak, nag-iisa, nakayuko at hindi alintana
ang nasa paligid. Patuloy ang pagbuhos
ng luha mula sa aking mga mata na nagdala ng panlalabo ng aking paningin. Iniaangat ko ang aking mukha dahil na rin
dama kong may matang nakamasid sa akin. ”Jane
ikaw bay an?” Hindi ito sumagot. Isang pamilyar
na hubog ng tao ang aking napansin ang unti-unting lumitaw mula sa pintuan
ngunit hindi ko maaninag ang mukha ng taong ito. Pero dama ko ang bigat ng kanyang
dinadala. Wari’y may kulang sa kanyang
pagkatao. Unti-unti itong lumapit sa
akin at inilahad nya ang kanyang mga kamay ngunit sa hindi malaman na
kadahilanan ay hindi ko magawang iabot ang aking mga palad. Ang sumunod na ginawa nito ay umupo sa aking
tabi.
“Alam ko ang
pinagdadaanan mo. Dahil tulad mo
dinaranas ko rin ito. Gusto ko ng
makalimot at ipagpatuloy ang buhay ko ngunit hindi ko magawa dahil nakatali pa
rin ako sa anino ng kahapon. Hindi ko
magawang ipagpatuloy ang buhay ko dahil mas ninais kong yakapin ang pait at
hapdi ng pagkabigo kaysa bitawan ang mga masasakit na alaalang dulot nito. Hindi madaling bumitiw sa nakaraan ngunit
kung patuloy mong patutuluyin sa buhay mo ang mga sakit at pighati hindi mo
magagawang mamuhay ng normal katulad ng dati.
Masakit, mapait, masaklap ang mahiwalay sa taong malaki ang naging parte
sa buhay mo, sa buo mong pagkatao. Pero hindi
lahat ng bagay sa mundo ay permanente may mga bagay na dapat kaya mong bitawan
kung kinakailangan. Dahil minsan sa
pagbitiw doon mo mararanasan ang tunay na kaligayahan. Hindi madaling gawin ngunit pag nagawa mo
hindi mo pagsisisihan. Marami pang
magandang bagay ang mangyayari sa buhay mo.
Learn to let go for you to be able to live.” Ang mahabang paliwanag ng
taong ngayon ko lamang nakausap ngunit dama kong kilalang kilala nya na ako.
“Paano mong nasabi ang
mga bagay na yan? Parang kilalang kilala
mo na ang pagkatao ko sa mga sinabi mo.” Ang takang tanong ko dito.
“Sa buhay maraming
bagay ang hindi maipaliwanag. Maraming katanungan
ang hindi mahanapan ng tamang kasagutan.
Maraming imposibleng bagay na pwedeng maging posible. Kung imumulat mo lang ang mga mata mo at
bubuksan ang isipan maiintindihan mo kung ano ang nais kong iparating sa yo.” Ang
matalinghaga nitong tugon sa akin.
Kinilabutan ako sa mga
narinig ko mula sa kanya. Sino ba sya at
ganon na lang ang epekto ng mga salita nya sa akin. Tila isang punyal na tumatarak sa kaibuturan
ng aking puso.
“Sino ka ba at nasasabi
mo yan?”
Isang payak na ngiti
lang ang isinagot nito. Hindi man
malinaw ang kanyang itsura ay bakas ang mga ngiti nito sa labi. Isang ngiti na pamilyar sa akin. Tumayo ito mula sa pagkakaupo at naglakad
patungo sa pinto.
“Sandali!” ang sigaw ko
ngunit unti-unti ay naglaho ito sa aking paningin.
“Ron! Ron! Ron!” ang
malakas na sigaw na may pagyugyog sa aking balikat ni Jane.
Bumangon akong
humihingal, pawisan, at may luha sa mata.
Agad kong sinapo ang aking mukha ng dalawa kong palad.
“Buti na lang at
napadaan ako narinig kitang umuungol at buti na lang ay bukas din ang pintuan
mo. Ano bang napanaginipan mo?” ang
alalang tanong ni Jane.
“Hindi malinaw ang
lahat sa akin. May tao akong kausap na
parang kilalang kilala ako. Hindi ko
makita ang mukha nya. Pero dama ko sa
kanya ang kakulangan ng kanyang pagkatao.
Parang ako.” At natulala ako sa huli kong sinabi. “Parang ako.” Hindi kaya ako yung
taong nasa panaginip. Walang ibang
taong makakakilala sa akin at makakaalam ng pinagdaraanan ko kundi sarili
ko. Ngunit bakit sya alam nya ang sagot
at gagawin sa sitwasyon ko, bakit ako hindi ko magawa yun. Hindi kaya alam ko naman talaga hindi ko lang
magawa?
“Sige na Ron. Uminom ka muna ng tubig at magpahinga bago ka
bumalik sa pagtulog. O kung gusto mo
naman ay don ka na lang sa kwarto matulog para mabantayan ka.” Ang may pag-aalalang tono ni Jane.
Isang pilit na ngiti
ang ibinigay ko sa kanya.
“Dito na lang ako. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat Jane.” niyakap ako ni Jane at
nagpaalam na.
Naiwan akong nakaupo at
paulit ulit na iniisip ang mga bagay na sinabi sa akin ng kausap ko sa
panaginip. Siguro nga ay tama ang
kanyang mga sinabi. Kung kaya ko lang
bumitiw magiging masaya siguro ako at kung kaya kong tanggapin ang katotoohanan
mabubuhay ulit ako ng normal.
Uumpisahan ko ng
magbago at harapin ang katotoohanan ng buhay.
Kakayanin ko ang sakit at pait na maaari nitong maidulot. Handa na ako sa pagbabago. Handa na ako sa bagong buhay na aking
tatahakin. Magpapakatatag ako hindi para
sa kung sino kundi para sa sarili ko. Mamumuhay
ako ng normal katulad ng dati. Ito na
ang umpisa ng pagbangon ko. Hindi ko na
dapat pang intindihin ang nakaraan ko. Maging
leksyon na lang ang mga alaalang nabuo mula dito. Kaya ko to. Kakayanin ko.
Muli kong ipinikit ang
aking mga mata ng may pag-asang kakayanin ko ang hamon ng bagong buhay.
Itutuloy…
;)
masakit un nangyari kay ron pero mukang handa na syang harapin ulet ang buhay nya ng mag isa at ihanda ang sarili sa mga pagsubok na kakaharapin nyang mag isa upang makapag move on..
ReplyDeletenakakarelate ako kahit konti haha!!
waa my 12 na!! :P
ReplyDeletenaghahabol ako ha, hehe..
ReplyDeleteouch para kay ron..at gusto ko si jane, ^_^
maaabutan mo nman ang update ih... thanks Lex
Delete