Blogger Widgets Blogger Widgets

Tuesday, August 07, 2012

Unspoken Love: Macky Part 4


Natulog na nga kami ng tabi sa kama, hindi naman pala ganoon kasikip ang kama ni Macky dahil makakikot pa naman ako sakaling malaikot ako matulog.
Nang gabi na iyon ay di ako makatulog, di ko alam kung dahil excited ako sa field trip naming o dahil sa katabi kong matulog si macky. Habang siya ay mahimbing sa kanyang pagkakatulog at dahil na rin siguro sa pagod sa paglalaro ng basketball kanina sa school.
Habang mahimbing sya natutulog, ako naman ay di mapakali sa aking puwesto, maya’t maya ay ikot ako ng ikot, baling sa kanan, sa kaliwa at minsan ay nakatihaya, paminsan-minsan ay tinitingnan ko si Macky baka kasi magising sya sa bawat galaw ng katawan ko. Hanggang sa titigan ko sya habang mahimbing syang natutulog.
Grabe, ang gwapo pala niya sa malapitang tingin, sobrang tangos ng ilong at ang pula-pula ng labi, pati mukha niya ay makinis na animo’y may lahing EspaƱol. Inangat ko pa ang ulo ko para matitigan sya ng husto, nararamdaman ko ang init ng buga ng kanyang hininga, mainit ito at mabango, unit-unti ko pang inilapit ang aking mukha, at akma ko sana siyang hahalikan nang matigilan ako.
“Huwag!” sabi ng isipan ko
Tila may dalawang boses ang nagtatalo sa aking isipan at nagsasabing sige lang at ang isa naman ay sige ang pigil na wag ko gawin iyon. Siguro sa tagal ng pagkakatitig ko sa kanya habang natutulog ay naramdaman ko na lang na biglang gumalaw ang ulo ni Macky at bumaling patalikod sa akin. Nagulat ako at biglang balik sa pagkakahiga. Nang marinig ko siyang nagsalita
“Bakit di ka pa tulog?” tanong niya na ikinabigla ko.
“Hala! Nabuking nya kaya ako na tinititigan ko sya habang natutulog?” pangamba ang naramadaman ko dahil baka mahalata niya ako
“Ah, hindi ako makatulog eh, siguro ay namamahay lang ako, first time ko kasi mag-sleep over sa ibang bahay eh.” Sagot ko sa knaya
“Sa una lang yan, sige na matulog ka na, pilitin mo makatulog at baka bukas sa bus ka pa matulkog di mo makikita ang madadaanan natin saying. Tulog na ako.” Sabay tumahimik. Di ko alam kung tulog na nga rin sya o baka nakikiramdam lang.
“Mac? Tanong ko sa kanya ngunit wala akong sagot na muli pang narinig sa kanya. Kaya naisip ko na siguro nga ay tulog na siya.
Buong magdamang aya di ako nakatulog na maayos, may mga time na nakakaidlip ako pero biglang magigising pag maya naramdaman akong maliit na kilos mula kay Macky. Paminsan-minsan nararamdaman ko na lang na magkaharap nap ala kami ng mukha ni Macky at sa tuwing ganoon ay muli na naman tititigan ko ang kanayang maamong mukha at pipikit ako para itanim sa isipan ko ang itsura ni Macky habang natutulog dahil sa tingin ko ay matagal pa ulit bago kami magtabi sa kama para matulog o baka ito na ang huling makatabi ko siya sa pagtulog.
3:30am nang magising si Macky dahil sa alarm na ginawa nya. Ako naman ay medyo naalimpungatan dahil sa ingay ng alarm clock at unti-unti kong ibinukas ko ang aking mata, nagulat ako dahil pagdilat ko ay nakaupo si Macky paharap sa akin at pinagmamasdan lang ako.
“Pangit mo matulog, nakanganga ka pa. hahahaha” malakas na tawa ang narinig ko sa kanya.
“Makapangit ka naman parang ikaw hindi rin pangit matulog ah” sagot ko na medyo inis.
Pero sa loob-loob ko ay nahihiya ako dahil totoo ang sinabi nya, medyo naramdaman ko na namula ako sa sinabi nya.
“Paano mo naman nalaman? Siguro pinapanood mo ako kagabi habang natutulog ako  kaya mo nasabi yan anu? Pang-aasar pa niya sa akin
“Hindi ah,” pagtanggi ko
“Syempre kita naman sa iyo eh tingnan mo may panis ka rin na laway sa bibig mo. Yuck!” pambawi ko sa pang-aasar nya sa akin.
Sabay takbo nya sa CR upang icheck kung totoo ang sinabi ko.
Ako naman ay napaisip pag-alis nya sa kama, tama nga kaya ang hinala ko na nakita nya ako na pinagmamasdan sya habang natultulog sya. Patay!.
Maya-maya ay bumalik sya at binato ako bigla ng unan.
“Bumangon ka na nga diyan puro ka kalokohan”  sabi nya “ Mauna ka nang maligo at pupunta na ako sa kwarto nila mommy para gisingin sila nang makapag-l
Agad naman ay bumangon ako at pumunta sa kinaroroonan ng aking gamit at kinuha ang gamit ko sa pagligo.
Habang nasa loob ako ng banyo at naliligo, di maalis sa isip ko ang nangyari kagabi.
“Totoo nga kayang gising sya kagabi habang pinagmamasdan ko sya?” pilit pa rin na sumasagi sa isip ko ang katanungan na iyan hanggang sa matapos ako.
Paglabas ko ng banyo ay nakasalubong ko si Macky na ngayon ay wala nang suot na damit pang-itaas, tanging manipis na short lang ang suot kaya naman di ko naiwasang tingnan sya mula ulo hanggang paa. Ang ganda ng katawan nya, sa edad pa lang na 14 anyos ay hubog na ang mga muscles nya at pati ang abs aya perfect tingnan.
“Hoy! Sigaw nya sa harap ko
Nagulat ako sa ginawa nya, dahil malamig ay bigla akong yumuko at tuloy-tuloy na umalis sa harapan nya.
Tagal mo maligo, ako naman maliligo, para makapag-alamusal na rin tayo at makalakad na at di tayo maiwanan ng bus.
Habang naliligo sya ay pakanta-kanta pa sya ng kanta

Nang matapos sya maligo, ako naman ay tapos na rin magbihis, nagpaalam na lang ako sa kanya na mauna na ako sa labas at doon ko na lang siya antayin para sabay na kami pumuntang kusina para kumain ng almusal.
Habang kumakain kami ay walang tigil ang kwento nya habang kausap ang mommy nya na nasa kusina at naghahanda ng babaunin naming para sa pananghalian mamaya. Sobrang close sila ng mommy nya at nakakatuwa sila pakinggan pag nag-uusap. Para lang silang magkaibigan kung mag-usap. Yung napaka-casual ng dating, pero andun pa rin yung respeto sa magulang pag kausap niya mommy niya. Habang ako naman ay patuloy lang sa pagkain at paminsan-minsan ay sumusulyap kay Macky.
OMG! Anu itong nararamdaman ko sa mokong na ito. Bakit parang lahat ng gawa nya at salita nya ay may kakaibang kumikislot sa puso ko. In-love ba ako sa “MOKONG” na ito?
Tanong ko sa sarili ko.
“Oh TOL, bilisan mo na jan at baka mahuli pa tayo, dapat tayo ang mauna para makapili tayo ng uupuan natin.” Pangi-interupt nya sa akin.
Kaya namn binilisan ko na ang pagkain at nag-ayos na ng mga dadalhin, baka kasi makalimutan ko pa ang mga dapat kong dalhin.
Bago kami lumakad patungo ng school ay nag-picture taking pa kami kasama ng mga kapatid nya. (At talagang kasama sila ha, feeling close? Heheheeh. Sayang lang at na-Ondoy ang picture na iyon kaya di ko mailalagay sa chapter na ito.)
Nakarating kami sa school ng saktong 4am. Marami ring studyante ang sumama, halos lahat ng sumama ay kitang kita ang pagka-excited sa aming pupuntahan. Nandun na rin sila Jhun at ang buong tropa. Pati ang tropa nila Jazzie ay naroon na rin. Kwentuhan muna kami at nakipila na para sumakay ng bus.
Pagakyat naming ng bus ay humanap agad kami ng mauupuan. Nakakita si Macky ng bakanteng upuan sa may bandang likod at malapit sa bintana.
“Sakto ito TOL, makikita natin lahat ng tanawin na madadaanan natin." tuwang -tuwa niyang sabi sabay lagay ng mga gamit namin sa bag compartment ng bus.
At siyempre magkatabi kami ng upuan, saktong pandalawahan lang ang nakuha nya kaya wala kaming ibang katabi. Kumbaga masosolo ko sya.LOL
Madami kaming pinuntahan, sa Devine Mercy Shrine sa Bulacan, sa isang Historical Museum sa Bulacan na malapit sa Barasoain Church. Habang nasa Barasoain Church kami ay doon na rin kami nag-tanghalian, inilabas namin ang mga baon namin at sa isang madamong parte ng simbahan sa labas ay doon kami kumain.

"Oh TOL ito adobo pinabaon ni mommy para daw ulam natin, pati ikaw ipinagbaon na niya para daw di ka magutom. " 
"Hala, nakakahiya naman sa inyo ng mommy mo, may baon naman akong ulam dito, de-lata kinuha ko sa stock namin sa bahay, bibili na lang ako ng kanin dito." pagtanggi ko sa alok nya.
"Huwag na, sige ka sasabihin ko kay Mommy na inayawan mo ung inihanda nya para sa iyo." pananakot nya
"Ikaw talaga kagabi ka pa ha, palibhasa eh takot ako mapagalitan ng mommy mo eh sinasamantala mo at ginagamit mo pa pag-block mail sa akin ha. Ok sige tatanggapin ko yan pero ulamin pa rin natin itong dala ko para hindi na masikip sa bag ko mamaya." sagot ko sa kanya.
"Ok sige, pero paano mo bubuksan yan? may dala ka bang pangbukas? tanong niya na parang nang-aasar na naman.
"Ayieeee!" sigaw ko
"Bakit?" tanong nya na nagulat pa.
"OO nga pala nakalimutan ko ung pang-bukas" sabay kamot ko sa ulo ko.
"Kita mo na magdadala ka nyan di ka namn pala handa. Buti na lang dala ko itong multi-tool kit ko." pagyayabang nya. Sabay abot sa akin.
"marunong ka ba gumamit niyan? tanong nya ulit.
"Sus! oo naman sisiw lang ito. sige na ayusin mo na yang kakainin natin at bubuksan ko lang ito"
Habang inaayos nya ang mga pagkain ay bigla akong napasigaw ng di kalakasan.
"Aray!" sigaw ko
"Oh bakit anung nangyari sa iyo dyan?" sabay punta sa kinaroroonan ko.
Nang makalapit sya ay nagulat sya sa nakita nya na may dugo ang daliri ko. agad niyang kinuha ang kamay ko at sinipsip ang dugo sa aking daliri.
Dahil sa bilis ng pangyayari ay natulala na lang ako sa kanya habang pinapanood sya sa ginagawa niyang pagsipsip ng dugo sa aking kamay.
"Hay naku, di kasi nag-iingat ayan tuloy nasusugatan, yabang-yabang pang kaya daw nya eh nasugatan naman." paninisi nya habang binabalutan ng panyo nya ang aking daliri.
" Sa  susunod kasi, sabihin pag hindi kaya para tulungan kita." sambit nya at ipinagpatuloy ang pagbubukasa sa de-latang dala ko.
Dahil gulat at wala pa rin ako sa katinuan ko ay napatingin na lang ako sa kanya at ngumiti. Grabe ang kabog ng dibdib ko sa mg aoras na iyon. Parang parte ng pelikula ang mga tagpong iyon. Sobrang sweet at parang payaw ko na matapos ang sandaling iyon.
Napatanong ulit ako sa sarili ko, "Bakit nya ginawa iyon?"
"Oh kumain ka na. Baka gutom lang iyan" sabay abot ng pagkain ko.
Tahimik lang ako habang kumakain, at muli ay pasulyap-sulyap ko siyang tinitingnan habang kumakain, at sa tuwing makikita ko siyang titingin sa akin ay ibinabaling ko ang tingin ko sa malayo para di niya mahalatang sa kanya ako nakatingin.
Nang matapos kami kumain at ang lahat ay tapos na rin, agad kaming nagligpit at bumalik na sa aming bus para pumunta sa last stop namin, ang resort. (siyempre iyan naman talaga ang highlights ng field trip di ba?)
Ilang kilometro lang ang layo nito sa Barasoain Church, ang 8 Waves Water Park dito sa may parteng Bulacan.



"Excited na ako magswimming" pangungulit ni Macky
"Ako din, ang init pa  naman, ang sarap nito magbabad sa tubig, marerefresh rin ako sa wakas." sagot ko naman.

"Bakit marunong ka ba lumangoy.? tanong nya na parang di makapaniwala.

"OO naman, lumaki kaya ako sa tabing ilog kaya mahilig ako lumangoy." pagyayabang ko ulit.

"Sus! sige nga tingnan natin mamaya kung gaano ka kagaling lumangoy." parang inis sa narinig mula sa akin.

Nang makarating kami sa resort ay agad humanap kami ng cottage na pag-iiwanan namin ng mga gamit nain para makapag-enjoy sa paswi-swimming. Maganda ang nakuha naming cottage, sa tapat nito ay ang wave pool na talaga namang kaaya-aya sa paningin kapag paparating na ang mga alon. Para ka ring nasa dagat kung pagmamasdan, kulang na lang ay white sand para kumpleto na. Maaliwalas din ang kalangitan at nagrereflect ito sa tubig kaya ang kulay ng tubig sa malayuang tingin ay asul na asul.

Matapos masiguradong ayos na at secure ang mga gamit ay kanya kanya na kaming tumakbo papuntang wave pool. Si Macky naman ay nagpaiwan saglit sa cottage dahil mayroon daw muna siyang hahanapin sa bag niya. Maya-maya pa ay nakita ko na rin siyang tumatakbo palapit sa aming kinaroroonan. Nang makita ko siya ay agad akong sumisid para magtago sa kanya. Subalit pag-ahon ko ay nakita ko siya sa harapan ko at nakangiti.

"Magtatago ka pa ha, akala mo hindi kita nakita na sumisid at pumunta dito."

Kaming dalawa ay nasa parte ng wave pool na malalim. Suot-suot nya ang goggles sa kanyang mga mata. Yun pala ang hinahanap nya sa bag niya kaya pala siya nagpahuli ng punta sa pool.

Habang nasa malalim kaming parte ng tubig ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa akin. Nanginig naman ako at nabigla dahil sa kanyang ginawa. Mga ilang minuto rin nyang hawak ang kamay ko nang biglang nagsabing....

"Tara punta tayo dun, libutin natin itong resort, bilangin natin kung ilang pool meron dito."

At umahon nga kami pero nagbitaw na kami ng kamay bago pa kami mkapunta sa gilid ng pool. Nilibot nga namin ang buong resort, kung di ako nagkakamali meron itong 4 na pool, isang pool na ginagamit sa swimming lesson, isang pangbata, isang 4-5 foot ang lalim at ung wave pool. nagpakuha ng litrato at kung ano anu pa ang ginawa naming dalawa para lang maenjoy ang araw na iyon. Bumalik kami sa cottage at itinago ang dala naming camera.

"Tara punta tayo dun" aya nya sa akin sabay turo kung saan naroroon ang pool na ginagamit sa swimmiing lesson.
Patakbo kaming pumunta doon at sabay na tumalon sa pool.



"Karera tayo" sabi nya. "Paunahan makarating sa kabilang dulo"

Sumang-ayon naman ako at binigay ang gusto nya. Tuwang-tuwa sya dahil palagi syang nananalo sa akin. Makailng ulit kaming nagpabalik-balik sa magkabilang dulo ng pool.

Nang biglang........

"Ahhhhhggggg!!!!!


Itutuloy............

No comments:

Post a Comment