Photo by: Justyn Shawn
Una po sa lahat ay nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagbasa, sumubaybay at mga nagcomment sa kwentong Nilimot Na Pag-ibig at katulad ng naipangako ko ay ito na po book two ng buhay ni Ron. Sana po ay subaybayan ninyo at sana po kung gaano po ninyo tinangkilik ang unang aklat ay ganon din po ang maging reaksyon ninyo dito sa Anino Ng Kahapon.
Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento. Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.
Hindi ko na po patatagalin pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment sa NILIMOT NA PAG-IBIG sina demure, Lexin, iamronald, brayan, Louie Arcelon, riley delima, raymond, ericka, knight-in-a-shining-armor, online via ginno, hajji alivio, robert_mendoza94@yahoo.com, MARK13, Arl Iver, Curious19, ryval winston, queckenstedt, kiero143, at syempre sa mga anonymous silent readers. At salamat din sa nagmessage sa akin sa FB si Raymond Rosales.
_____
Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.
Comments and any kind of reactions are welcome.
You have the freedom to express your feelings.
Read at your own risk!
Enjoy reading!
“Love me like the first time again
Let’s pretend that it never gonna
end
For one last time
Just hold me in the way
We used to do, you know
Love me like the first time and go…”
(an excerpt from the song Love me
like the first time)
Ito ang
linya ng kanta na biglang pumasok sa aking isipan habang ako ay nasa taxi pauwi
ng bahay. At sa pagkakataong ito hindi
ko namalayan na malaya palang umaagos ang luha sa aking mga mata. Ito ang matagal ko ng hinihintay ang lumabas
ang aking sama ng loob. Alam kong sa
paglabas ng mga luha ko ay kaakibat na nito ang magiging bigat ng aking
kalooban sa mga susunod pang mga araw.
At kung kalian ito matatapos iyon ang hindi ko alam.
Pagkadating
na pagkadating ko ng bahay ay agad akong dumiretso sa aking kwarto tila walang
pakialam kung may tao sa sala o wala, basta ang nasa isip ko noon ay gusto ko
lang umiyak at magmukmok. Hindi ko na
rin nakuha pang magpalit muna ng damit.
Ibinagsak
ko ang bigat na bigat kong katawan padapa sa aking kama habang umiiyak.
Ngayon
lang lahat sumiksik sa aking isipan ang mga nangyari noong lumipas na
araw. Ang inaakala kong matatag na ako
ay biglang gumuho. Ngayon ko tunay
naramdaman ang sakit at pait ng paghihiwalay namin ni Lee. Ngayon ko naramdaman na nadurog ang puso
ko. Gusto kong tawagan si Lee upang
magmakaawa na bumalik sa akin ngunit wala akong lakas ng loob.
Ngayon
ko rin napatunayan sa aking sarili na mahal ko pa rin pala ang taong naging
sanhi ng aking pighati ngayon.
Nakatulog
ako sa ganoong posisyon. Nakadapa habang
umiiyak.
Ginising
lamang ako ng isang tawag sa aking telepono.
“Hello
Ron musta ka na?” ang masiglang tinig sa kabilang linya.
“Ok lang
ako. Bat ka napatawag?”
“Wala
lang miss lang kita. Bakit parang paos ka yata?” ang may pag-aalalang tanong sa
akin.
“Ah… eh…
kagigising ko lang kasi kaya mejo mababa ang boses ko.” Pilit kong
pagpapaliwanag dito.
Nang mga
oras na iyon gusto ko ng sabihin kay Christian ang tunay na nangyari kung bakit
medyo paos ang boses ko. Oo si Christian
ang tumawag sa akin. Ang taong nakasama
ko ng two weeks sa exit ko sa Qeshm. Ang
taong nakahulugan ko ng loob. Ang taong
laging nakikinig sa mga problema ko about kay Lee. Ang taong laging naglalahad ng kanyang
damdamin para sa akin kahit hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nya para sa
akin. May panghihinayang ako ng sagutin
ko ang tawag dahil sa aking kalooblooban
ay dinadasal ko na sana si Lee ang nagdial ng number ko upang kausapin ako at
sabihin sa aking gusto nan yang makipagbalikan.
Ngunit ako’y bigo. Bagkus si
Christian ang kausap ko ngayon sa kabilang linya at sa pagkakataong ito gusto
kong sabihin sa kanya na kaya parang paos ang boses ko ay gawa ito ng matinding
pag-iyak dahil wala na kami ni Lee.
Ngunit tila may nakabara sa aking lalamunan hindi ko alam kung paano ko
ito sasabihin sa kanya. Marahil ay dala
na rin ng hiya dahil iniwan ako ng taong mahal ko samantalang sya nariyan lang
naghihintay na mabigyan ng pagkakataon upang mahalin ko. Kaya hinayaan ko na lamang ang aming usapan
sa simpleng kamustahan.
“Basta
tol kung kailangan mo ng makakausap at masasandalan nandito lang ako lagi para
sayo alam mo naman na mahal kita diba.”
Katulad
ng dati wala pa ring sawa si Christian sa paglalahad nya ng damdamin para sa
akin ngunit hindi ko talaga magawang suklian ang kanyang pagmamahal. Marahil siguro sa kadahilanang ng nakilala ko
sya ay may karelasyon ako at ngayon naman ay basag pa ang pagkatao ko. Nabasag ng taong lubos kong minahal. At sa panahong ito hindi ko kayang ibigay ang
puso kong basag kahit kanino.
Nang
matapos ang usapan namin ni Christian ay agad akong nagpalit ng damit at
pumunta sa kwarto nila Jane.
“Oh
gising ka na pala. Kumain ka na yung ulam nasa loob ng microwave.” Ang bungad
ni Jane sa akin.
Agad
akong kumuha ng makakain. Pero kahit
anong gawin kong pilit sa sarili ko hindi ako makakain ng maayos. Sa kadahilanang paulit ulit ng pumapasok sa
isipan ko na wala na kami ni Lee na kahit kaylan ay hindi na sya magiging
akin. Bagay na lalong nagpapabigat ng
aking nararamdaman. Matapos akong kumain
at makapag hugas ng pinagkainan ay bumalik ulit ako sa kwarto ni Jane at naupo
sa sofa at nanood ng tv. Oo nga at
nanonood ako ng tv pero sa totoo lang wala akong naiintindihan sa palabas. Lutang ang aking isipan ng mga sandaling
iyon. Nag-iisip ulit ng pangyayaring
naganap sa akin tatlong araw na ang nakalipas.
“Hoy!
Tinatanong kita!” ang sigaw ni Jane sa akin na syang nakapagpabalik ng katinuan
ko.
“Huh?
Ano nga yung sabi mo?” ang naguguluhan kong tugon.
“Ang
sabi ko kamusta naman ang paghahanap mo ng bagong work?”
“Ah… Ok
naman pagod sa pagpapasa ng CV.”
“Ok ka
na ba?” ang biglaang tanong ni Roger.
Hindi
ako makasagot ng mga sandaling iyon.
Hindi ko alam paano ko sasagutin ang isang katanungang biglaang ipinukol
sa akin ng hindi ako handa. Isang
katanungan na hindi ko rin naman alam kung may kasagutan. Sa pagkakataong ito, mahirap sagutin ang
napakasimpleng katanungang ibinigay ni Roger.
Habang
nag-uusap kami ay tumawag si Richard kay Roger at nag-aaya ng inuman. Sakto! Gusto ko pa namang uminom ngayon. Ang bulong ko sa sarili.
Hinihintay
nila Roger ang pagdating ni Richard at ako naman ay ibinalik ang tuon sa
panonood ng tv na kahit wala akong maintindihan sa palabas. Ang sa akin lang maiiwas ko lang ang sarili
ko sa posibilidad na maitanong ulit sa akin ni Roger kung ok lang ako.
Ilang
sandal pa ay dumating si Richard may dalang dalawang bote ng alak. Wow! Mukhang malalasing ako ngayon. Ang tila uhaw sa alak kong wika sa sarili.
Agad
akong tumayo at naghanda ng mga kakailanganin para sa inuman. Kumuha ako ng basong tagayan, baso para sa chaser, at syempre pa inihanda
ko rin ang pupulutanin.
Nang
makabalik ako ay handa na ang lahat. Si
Richard ang naging tanggero namin.
Nagkukwentuhan
sila habang nag-iinuman sila samantalang ako nilalasap ang pait at ang mainit
na hagod ng alak sa aking lalamunan.
Lutang ang isipan. Ganito ba
talaga ang magmahal hindi pwedeng hindi masaktan? Ang biglang sulpot ng tanong
sa aking isipan. Isang katanungan na
hirap akong intindihin at hanapan ng kasagutan.
Nasa gitna ako ng pagmumuni muni ng biglang magtanong si Richard.
“Ron
kamusta ka na pala?”
“Ito ok
lang ako pagod lagi sa paghahanap ng work.
Ang hirap ng maghanap ng work ngayon daming kakumpitensya.”
“Eh si
Lee hindi na ba talaga tumawag sa yo?” ito na naman ang tanong na ayaw kong
marinig.
“Ah..
eh… ah…” ang hindi ko madugtungan na sagot.
Hindi ko
malaman bakit kailangan pa bang paulit ulitin ang pesteng tanong na yan. Alam naman na nila na wala na kami ni
Lee. At hindi pa ba obvious sa itsura ko
na hindi pa ako ok.
Pilit
kong nilalabanan ang sakit na aking nararamdaman sa harap ng aking mga
kaibigan. Pilit kong pinapatatag ang
sarili ko dahil ayaw kong may masabi sila sa akin na mahina ako. Kaya naman nung medyo tinatamaan na ako ay
nakipagkulitan na lang din ako sa kanila upang ipakita na wala lang sa akin ang
nangyari pero sa totoo lang nagdurugo pa rin ang puso ko.
Hindi ko
na namalayan na mauubos na pala namin ang pangalawang bote na dala ni Richard
dala na rin siguro ng may tama na ako.
At idagdag mo pa ang pakikipagkulitan ko. Kaya naman ng matapos kaming
uminom ay niligpit ko na ang aming
pinag-inuman at naglinis na ako ng katawan upang maghanda sa
pagtulog. Pagtulog nga ba o pag-iisip?
Pagkabalik
ko ng kwarto ay agad kong pinatay ang ilaw at humiga. Maraming bagay ang tumatakbo sa aking isipan
habang ako ay nakahiga. Nariyang iniisip
ko na dapat makakita na ako ng trabaho dahil ayaw ko ng mag exit ulit tapos
biglang sisingit ang alaala naming ni Lee yung mga times na palagi ko syang
kasama at yung mga times na nagkakatampuhan kami but at the end of the day
inaayos pa rin namin. Hindi ko
mapigilang mapaiyak sa mga problemang aking kinakaharap. Kung dati may nakakatulong ako sa aking
problema iba na ang sitwasyon ngayon. Ngayon
kailangang harapin ko ito ng mag-isa.
Hindi ko
namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaisip at sa pag iyak. Nang biglang mag ring ang telepono ko. Agad kong kinuha ito upang tignan kung sino
ang tumatawag at sa hindi inaasahang pagkakataon nakita kong si Charlie ang
tumatawag sa akin. Sa dinami rami nga naman talaga ng taong pwedeng tumawag sa
akin bakit sya pa? Bakit si Charlie pa?
Bakit ang taong ipinalit sa akin ni Lee ang tumatawag sa aking ng dis oras ng
gabi. At ng sagutin ko ang kanyang
tawag.
“Kamusta
naman ang pagkikita nyo ni Lyndon? Masaya ba? Katabi mo ba sya ngayon?”
Itutuloy....
Itutuloy....
I would like to take this opportunity para ipromote ang blogsite ko and you can follow me or add me on the following social networks by simply clicking the links below:
Facebook: https://www.facebook.com/arn.5HK
Twitter: https://twitter.com/iamDaRKDReaMeR
ayyyy!!nabitin ulit ako!!hahaha!!
ReplyDeletebut thank u arn:)))
thank you din sa pagbasa... ^__^
Deletenak lakas mambitin hehehe
ReplyDeleteXOXO "ARSTEVE"
arn d best to :) -mac
ReplyDelete