simula ng ikaw ay aking makilala
ibang ligaya ang aking nadama
saan man mapaling ang aking paningin
maamo mong muka ang aking napapansin
paggising sa umaga
ibayong saya aking nadarama
sapagkat ako'y umaasa
na ikaw ay aking makikita
walang paglayan aking ligaya
sa tuwing ikaw ay aking nakikita
anong gayuma ba
ang sa akin ay nakahalina
pagtulog sa gabi
panaginip ay ikaw 'twina
hinihiling lagi
na ikaw ay maging akin sinta
nawa ay umabot
sa iyong kaalaman
nilalaman ng puso ko at isipan
ay ikaw lamang...
No comments:
Post a Comment