Blogger Widgets Blogger Widgets

Sunday, November 25, 2012

Anino Ng Kahapon 14


Photo by: Justyn Shawn



Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.


Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar, akosichristian, caranchou, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:



_____

Disclaimer:


This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.


Comments and any kind of reactions are welcome. 


You have the freedom to express your feelings.


Read at your own risk!


Enjoy reading!


Wednesday, November 21, 2012

The Change Part 1


The Change Part 1


by: Marsh Nuique Cantila 


Edrian’s POV

Tired from work again. Buti na lang restday na bukas at makapagpahinga na naman ang walang kapagurang katawang lupa ko. I’m Edrian Villapez, 25 years old, chinito, maputi, 5’9” ang height and well-built ang katawan. Kasalukuyang nagtatrabaho bilang customer service representative sa isang BPO company dito sa Cebu. Simple lang naman ang life ko. I’m staying with my mom and dad and I’m the only child. My parents are both PNP retirees and they are running a small sari-sari store adjacent to our house.

I was about to lay down on my bed and go to sleep when I remembered that my friend will be coming home to the Philippines tommorow from the States. He is my bestfriend. His name is Cypress Velasco, 24 (well, I can’t describe his physical appreance right now because it’s been 8 years that I haven’t seen him since we graduated from High School).

Flashback

 Way back then, He was one of the most popular guys in the campus. Sino ba ang di mabibghani sa isang tall, dark and handsome na varsity player pa at more on academics pa. Hindi lang yan, he became the Campus Olive C hearthrob namin dito sa Cebu that time at nakatanggap ng offers for modelling pero tinanggihan niya for the reason na gusto niyang magconcentrate sa school.

One time, may niligawan si Cypress na nerd girl, she is Kristel Melendres , ang valedictorian namin, she is simple at tinaguriang genius girl ng campus. Grabe, it’s been 2 years na niligawan ni Cypress si Kristel until the graduation day comes which Kristel promised that she will answer Cypress already. After the graduation rites and program, Kristel and Cypress talked about the panliligaw thing.


Cypress, I appreciate your effort and it’s been 2 years already that your courting me ------ , si Kristel na di pinatapos ni Cypress sa pagsasalita.

So, does it mean a Yes? (-_-) , si Cyrus na nagpipigil sa excitement niya.

Ahmm , Kuan Kasi., si Kristel na nag-aalangan.

So girlfriend na kita?, sigaw ni Cypress na nagbigay ng attention sa mga tao at pinagtitinginan na sila.

I’m sorry but I love your bestfriend Edrian, si Kristel na nahihiya sabay walk out.

>_<  O_O , si Cypress habang tinitingnan ang paalis na babae.



Ang sakit sakit bro! Siya lang ang babae for me, siya ang first love ko. I’ve never been like this in my entire life. Siya lang ang babaeng una at huling iibigin ko pero nagkagusto siya sayo bro, si Cypress na nagdadram.

(-_-) I’m sorry to hear that bro. Don’t worry, di ko naman type si Kristel at walang taluhan bro, diba?, si Edrian.

No bro! Don’t feel sorry about it, I’m letting her go and maybe I need to follow mom and dad in the States para naman maka move on ako sa pagreject ng pinakamamahal ko, si Cypress. Promise me bro, please don’t let anyone hurt my love and learn to love Kristel, I know you’ll be a very happy couple, dagdag ni Cypress.

O_O , bro? Akala ko ba sabay tayong mag-ienroll sa University na pinlano natin. Wag ka namang paapekto sa babae oh. Please don’t leave me bro and besides, wala naman akong gusto sa babaeng yun noh!, si Edrian.

Ang O.A mo bro! Para ka namang bakla diyan. Naiinlove ka sa akin noh? Joke lang. Hahaaha. I’ve made up my mind bro and it’s final, bestfriend pa rin naman kita ah and nothing will change kahit magkakalayo na tayo, mag-aaral lang ako dun and babalik rin ako dito sa Pinas. Di ko kasi gustong mawala sa mundo ng di ko makapiling bestfriend ko. But promise me bro, please don’t let anyone hurt Kristel. I’ll owe you so much for that., si Cypress.

O_O Hay! Sige na nga bro, kung di ka na mapipigilan pa, wala na tayong magagawa. So see you when you come back and I promise that no one will ever hurt your love and I’ll be her new protector. Promise yan bro, si Edrian.

Thanks bro, best bud talaga kita, si Cypress

End of flashback


Edrian’s POV

Yeah right! Ako na nga ang dakilang tagapagtanggol ng minamahal na babae ng bestfriend ko. At first, naiilang talaga ako kasi di ko kayang mapalapit kay Kristel at mainlove sa kanya kasi ayaw kong  masaktan na naman si bestfriend but 2 years after the graduation, Cypress told me that if I have feelings for Kristel, it’s time for me to court her since botong-boto daw siya sa akin para sa minamahal niya. So what happend is naging kami nga ni Kristel until now and we are in relationship for almost 6 years already. Marami na rin ang nagbago kay Kristel, she’s not the usual nerd girl anymore. She became one of the hottest runway and print ad model here in Cebu and isang title holder ng isang prestigious beauty pageant here. Ang swerte ko talaga sa girlfriend ko. Mabait na, Maganda pa.


Kinabukasan


I arrived at Mactan International Airport 1 hour and 30 minutes before the departure time. I’m so excited to meet my bestfriend na di ko nakasama for 8 years na. On those 8 years, palagi kaming nagcommunicate through email at mi isang picture niya, wala man lang siyang sinend sa akin. I was wondering kung ano na kanya hitsura niya ngayon. Malamang, he’s still the hottest guy and pinakagwapong bestfriend na nakilala ko noon (nababakla na tuloy ako). Nakaidlip ako sa bench sa may waiting area kakahintay.

Excuse me!, sabi ng babae sabay tapik sa aking pisngi.

Ano ba? Distorbo oh!, si Edrian na nainis sa paggising sa kanya.

Napatawa na lang ang babae. Are you Mr. Edrian Villapez?, tanong ng di kilalang babae.

The girl who is standing in front of Edrian is very sexy and beautiful. Morena and looks like a model, tantiya na ay nasa 24 years old na ito and the height is 5’9”. And what caught his attention is the curves, coca-cola body. He was staring on the beautiful lady nang tumikhim ito.

Ehem!, Edrian?, tanong ng babae.

I’m sorry miss? Do i know you?, si Edrian. Ikaw ba ang girlfriend ni Cypress? Nasan na siya? Nasa restroom ba siya?, dagdag ni Edrian.

Napasmile ang babae. Di mo na ba ako kilala ngayon Edrian? este bro?

O_O Oh my gosh!, si Edrian na nashock at napatili.

This is me, I’m Cypress Velasco but you can call me Ella, Ella Velasco.


(itutuloy)



Saturday, November 17, 2012

Anino Ng Kahapon 13

Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga bagay po na inaasikaso ako ngayon and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar,  sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Saturday, November 10, 2012

Anino Ng Kahapon 12

Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay gusto ko pong humingi ng paumanhin sa matagal na pag-aupdate ng kwento sa kadahilanang may mga unexpected things that came up this past few days and gusto ko na rin pong kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, Pink 5ive, Roan, diumar,  sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Saturday, November 03, 2012

Start Again


Photo by: Justyn Shawn




Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang istoryang ito.  Isang parte ng buhay pag-ibig ko na muntikan ng ikawala ng taong minamahal ko.  Hindi ko inaasahan na ang pagigigng malapit ko sa isang taong nangangailangan ng atensyon ay magdudulot ng lamat sa tiwalang ibinigay sa akin.  Aaminin kong napalapit ako sa isang taong itinuring akong BEST FRIEND. Ang pagiging malapit pala namin sa isa't isa at ang mga malalambing na pag-uusap ay syang magiging mitsa ng muntikang makatakas na pagmamahal na ngayon ko lang muli naramdaman. 

Thursday, November 01, 2012

The Wedding


by: Justyn Shawn



"Bakit ka dyan umiiyak? Diba magsasaya tayo ngayon? Diba susulitin natin ang weekends?" biglang sulpot sa harapan ni Ronnel si Josephine matapos niyang iaangat ang kanyang ulo mula sa pagkakaub-ob nito sa pag-iyak. Nakita niya ang kanyang nobyang nakangiti sa kanya. Ngayon, napakaaliwalas ng mukha nito. Ang ganda nito ay tila nagniningning sa kanya. Nakakahalina. 

Niyakap niya ng mahigpit ang kanyang nobya. Ngumiti ng pilit. Hindi niya pinakitang masakit ang kalooban niya sa pagkawala nito; na wala na ito at isa na ngayong kaluluwa ang sa kanya ay kamakausap. 

"Oo, susulitin natin ang buong weekends." saad ni Ronnel sa dalaga at masuyo niya itong hinalikan. 

Matapos nilang kumain ng agahan ay tila walang kakaibang nangyari sa kanila. Kahit masakit ang kalooban ngayon ni Ronnel, hindi niya ito pinakita sa kanyang nobya. Kahit na sising sisi siya sa sarili dahil kung hindi niya pinaghintay ang kanyang nobya ay hindi sana hahantong ang lahat sa ganito. Pilit na ngiti lamang ang pinapakita ng binata sa dalaga. Iyon na lang ang tanging paraan upang masulit kahit papaano ang kanilang weekends. Ang magsuot siya ng maskarang panakip sa pagsisisi at kalungkutan na ngayon ay bumabalot sa kanyang katauhan. 

Namasyal sila. Naglaro. Nanood ng sine. At madami pa silang ginawang masasabi mo talagang "sulit" ang weekends nila. Habang kasama ang kanyang nobya ay di maalis ang pagsisising nararamdaman niya ngunit mas nangibabaw ang kasiyahan doon, na kasama niya ang taong mahal na mahal niya; na binigyan pa siya ng chance na makasama siyang muli. 

Kung sana ganito lang sila noon..kung sana matagal na niyang ginawa ang mga bagay na ganito, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa kawalan. Ngunit wala na siyang magawa kundi tanggapin ang katotohanan at magpakasaya na lang sa pagkakataong binigay sa kanina. 

Lumuhod ito sa harapan ni Josephine. May ngiti sa labi ngunit puno ng kalungkutan ang kanyang mga mata. "Will you marry me?" saad ng binata sa dalaga. 

"Kung alam mo lang kung gano ako katagal naghintay na sabihin mo ang mga katagang yan sa akin. Oo!!! OO.. I will marry you!!!"Tuwang tuwang sagot naman ni Josephine kay Ronnel. Bakas ang kaligayahan ng dalaga sa sinabi ng binata habang nakaluhod itong hawak ang kanyang mga kamay. Sa pagtanggap ni Josephine ay tila nawalang lahat ng kalungkutang bumabalot kay Ronnel. Niyakap niya ang kanyang nobya ng mahigpit. Punong puno ng kaligayahan. 

Isinoot ni Ronnel ang singsing sa kamay ng dalaga matapos niya itong halikan. Napakagandang tingnan itong suot sa kamay niya. Bagay na bagay. Niyakap ng mahigpit ni Josephine si Ronnel. "Ngayon pa lang sulit na ang weekends ko."tuwang tuwang sambit ng dalaga. 

Tumungo sila sa may simbahan. Duon, kahit walang pari, kahit walang saksi, kahit walang katibayang papel kinasal nila ang kanilang sarili. Ipinakita nila ang kanilang wagas na pag-iibigan. Gusto nilang pagtibayin iyon sa mga oras na iyon. 

Hinawakan ni Ronnel ang dalawang kamay ni Josephine. Ipinatong ito sa kanyang dibdib. "Josephine Lalusin, tinatanggap mo ba ako bilang iyong kabiyak na iyong pakamamahalin at paglilingkuran sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya, sa habambuhay?" damang dama ni Josephine ang bilis ng tibok ng puso ni Ronnel habang nakapatong ang kanyang mga kamay sa dibdib nito. 

Matapos sabihin ang mga katagang iyon habang nakatitig sa mga mata ng dalaga ay napansin niyang tumulo ang luha nito. Huha ng kaligayahan. 

"Oo! Oo!..."nagmamadaling sagot ni Josephine sabay punas ng mga luha niya sa galak na nararamdaman. Ito ang matagal na niyang hinihintay na mangyari sa kanila ni Ronnel. At ngayon nga ay nangyayari na. Wala mang papel, saksi, o pari, ang pag-ibig nila ang naging batayan upang pag isahin nila ang kanilang dibdib. 

Kinuha ni Josephine ang mga kamay ni Ronnel at ipinatong din ito sa kanyang dibdib gaya ng ginawa ng kanyang kapareha."Ikaw Ronnel Bactong, tinatanggap mo ba ako bilang iyong kabiyak na iyong pakamamahalin at paglilingkuran sa hirap at ginhawa, sa dusa at ligaya, sa habambuhay?" 

“Oo.”nakangiting wika naman ni Ronnel kay Josephine. Matapos noon ay naghalikan silang dalawa. Isa iyong mainit at puno ng pagmamahal na halik. Napakasaya nila ng mga sandaling iyon. Iyon na yata ang pinakamasayang sandali sa kanilang buhay. 

Matapos nilang ikasal ang kanilang sarili ay nagpunta sila sa kanilang tagpuan kung saan madalas maghintay si Josephine kay Ronnel. Dito, sa lugar ding ito, may naghihintay na sorpresa para kay Ronnel. Masaya silang parehong tumungo dito dahil isa na ngayon silang ganap na mag-asawa. 

Kinuha ni Josephine ang isiniksik niyang sorpresa para kay Ronnel. Isang sulat. Binasa ito ng kanyang asawa. 



Labs, 

Mahal na mahal na mahal kita. Kung ang paghihintay lang ang kaya kong gawin upang mapasaya ka. Gagawin ko ito. Dahil mahal na mahal kita. Kahit pa man hanggang sa kabilang buhay..hihintayin kita. Ganun kita kamahal. I love you. 

Josephine 



Pagkabasa niyang iyon ay tila nagbalik sa kanyang katauhan ang pagsisisi. Kung hindi lang sana niya nagawang paghintayin ang kanyang nobya, buhay pa sana silang nagsasama ngayon. Tumulo ang luha sa mga mata ni Ronnel. Niyakap naman ito ni Josephine noong makita niya ang kanyang asawang umiiyak. 

“Asawa ko…”mapaglambing na wika ni Josephine habang yakap niya ang kanyang asawa at hinahaplos ang kanyang likod. “’bat ka umiiyak? Hindi ka ba masayang mag-asawa na tayo? Hindi ka ba masayang magkaisang dibdib na tayo? Hindi ka ba masayang magkasama na tayo?” 

“M-masaya..p-pero…k-kung di lang s-sana…..”humihikbing salaysay naman ni Ronnel. Hindi niya iyon maituloy dahil sumingit agad at nagsalita si Josephine. 

“Yun naman pala e. Masaya ka naman pala. Halika. May ipapakita pa ako sayo”yaya nito at naglakad sila patungo sa di kalayuan. 

Isa pang sorpresa ang nakita ni Ronnel. 

Hindi siya makapaniwala. Tiningnan niyang muli si Josephine ngunit duguan na itong nasa kanyang harapan. Nakita din niya ang sariling naliligo sa dugo. 

Naalala niyang bigla ang lahat ng mga nangyari. Pauwi na siya noon galing sa inuman. Lasing na lasing ito. Wala sa katinuan. Sinubukan pa niyang pumunta sa tagpuan nila at nagbakasakaling maabutan pa niya dito ang minamahal na nobya. Ngunit wala na ito at nakauwi na. Nagpasya na siyang umuwi. Lasing na lasing niyang inikot ang sasakyang kanyang minamaneho tungo na sa kanilang tinutuluyan. Hindi pa man siya nakakalayo, hindi niya napansin ang isang taxing humaharurot na papasalubong sa kanya. Hanggang sa ilaw na lang ang kanyang nakita. 

Hindi makapaniwala si Ronnel sa nasaksihan nito. Sa isang bangin, hindi malayo sa tagpuan nila, nakita niya ang kanyang katawan. Walang buhay.


Wakas