Blogger Widgets Blogger Widgets

Wednesday, October 31, 2012

Chatroom


Photo by: Justyn Shawn





“Nakakabored naman ngayon bakit hindi tayo magpagames.  Press 1 para sa gusto ng game para naman mabuhay ang room. Hindi yung ngangahan na lang tayo dito” Ang wika ng founder ng chatroom na si Kenjie.
Maraming chatters ang sumang-ayon sa suhestiyon ni Kenjie.  Isa na Dito si Jojie dahil alam nyang sa wala namang ibang games ang pinapalaro si Kenjie kundi NTT or Name That Tune.  Bihasa si Jojie larangan ng musika.  Halos lahat ng NTT games sya ang nananalo.  At hindi nga sya nagkamali sya pa rin ang nanalo kahit pa paminsan-minsan ay kinukulit si Jojie ng kanyang boyfriend na si Arnold, isang topakin at ang joker ng room at isa rin sa mga main DJ ng chatroom.

“Congratulations to Jojie. Wala na bang ibang mananalo kada maglalaro na lang ng NTT ikaw ang nananalo?  Wala lang load? Kinakarir?” ang pagtatapos ni Kenjie ng laro.  “And now I will pass the mic to one of our Main Chatroom Dj. Ang talak ng talak walang ginawa kundi pumutak walang pagod ang bibig Arnold.  Please do grab the mic in 3,2, and 1.”

Tuesday, October 30, 2012

Waiting



By: Justyn Shawn 
email: jeiel08@gmail.com

Isang banggaan ang nadatnan ni Ronnel noong dumating siya sa tagpuan nila ni Josephine. Kinakabahan siyang nagmamadaling tinungo iyon dahil baka napano na ang kanyang nobya. Nakahinga ng maluwag ang binata nang makita niya itong matyaga pa ring naghihintay sa kanya. 

“Sorry labs. Busy kasi sa trabaho e. Di na din kita natext dahil wala akong load.”saad nito. Hindi umimik ang dalaga. Alam niyang may tampo ito sa kanya dahil pinaghintay na naman ito. Alam nitong ayaw na ayaw ng kanyang nobya na naghihintay ito pero wala siyang magawa dahil naipit siya sa kanyang trabaho. 

Monday, October 29, 2012

Anino Ng Kahapon 11


Photo by: Justyn Shawn




Una po sa lahat ay gusto ko lamang po kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Maraming salamat po sa patuloy na pagsubaybay sa kwentong aking isinulat, nawa po ay nagustuhan ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, Marshy, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Friday, October 26, 2012

Piso [7]



Ang Pagbabago
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/


Tila ang kalasingan ko noon ay nawala sa nakita ko. Ibang iba ito noong ito ay aking iniwan. Pagbukas ko ng pinto ay animoy wala ako sa sariling tirahan. Luminis ito, gumanda, halos lahat ay nakaayos na sa kanilang pwesto. Kung dati ay mukha itong dinaanan ng bagyo lagi, ngayon para akong may pitong katulong. Malinis. Maaliwalas. Maayos. 

Anino Ng Kahapon 10


Photo by: Justyn Shawn


Una po sa lahat ay gusto ko lamang po kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Medyo nalate po ang posting ko ngayon naging busy po kasi ulit kaya naman po humihingi po ulit ako sa inyo ng paumanhin at sana po ay naintindihan po ninyo.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, ALDRIN, Acnologia, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!



Monday, October 22, 2012

Anino Ng Kahapon 09


Photo by: Justyn Shawn


Una po sa lahat ay gusto ko lamang po kamustahin ang lahat ng sumusubaybay ng Anino Ng Kahapon?  Hindi po late ang posting ko ngayon.  Actually kahapon ko pa balak ipost tong chapter 9 kaya lang parang maaga naman masyado kaya napagpasyahan ko pong kinabukasan ko na lang ipost. At nawa po ay mapaaga din ang posting ko ng Chapter 10.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com, rascal, sa asawa na first time na nagcomment at bumasa sa gawa ko Justyn Shawn at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Sunday, October 21, 2012

Piso [6]



by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com


Sa paglubog niya sa ilog na iyon matapos niyang ihagis ang piso, kita ko pa ang kasiyahan sa kanyang mga mata. Kita ko pa dito ang kasiyahang nag-uumapaw. Alam ko dahil magkasama ulit kami, nagkausap. Ako rin ay masayang masaya sa mga sandaling iyon hindi lang dahil sa magkasama ulit kami kundi dahil sa mga aral na dulot din niya sa akin noong kami ay magkausap. Ngunit may kurot din itong dulot noong di ko siya masumpungan noong ako ay umahon. Masigla ko pa ring dala-dala ang pisong ipagmamalaki ko sanang natagpuan ko na iyon. Ngunit wala siya. Hindi ko na siya makita kahit ano pa ang gawin kong paghahanap. Nalungkot akong bigla. Natakot. Kinabahan. Tila napakahiwaga ng pangyayaring iyon.

Piso [5]




Si Zaldy at ang Kanyang Payo

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/


Natulala ako kung sino ang nakita ko. Hindi ko akalaing makikita ko siyang muli. Biglang bumuhos ang mga luha ko sa galak. “Salamat…salamat at nagbalik ka.” Hindi ko na pinulot ang piso bagkus ay niyakap ko siya ng pagkahigpit higpit. Dinama ko ang init ng kanyang katawan sa pagkakayakap kong iyon. Pinakiramdaman ko ang tibok ng kanyang puso.

Tumingin akong deretso sa kanyang mga mata. Ganun pa rin tulad ng dati. Andon pa rin ang kislap nito. Andon pa rin ang nakakapanghipnotismo niyang mga titig. Sinampal sampal ko pa ang sarili ko kung totoo nga ba ang nakikita ko. Pumikit pikit pa ako baka dala lang ito ng puyat at nananaghinip lang ako ng gising na andiyan nga siya. Na nayakap ko siya at kaharap. Pero totoo…si Zaldy nga ang nasa harap ko. Buhay na buhay. Napakasigla nitong tingnan. Andon pa rin ang kanyang angking kakisigan na talaga namang nakakahalina. Napaka gwapo pa rin niyang tingnan sa pagdadala ng damit. Nakakabighani.

Nabuhayan ako ng loob. Ang gaan gaan ng pakiramdam ko noong mga panahong iyon. Para akong nasa ibang dimension ng mundo. Napakasaya. Parang akin ang mundo. Umiikot batay sa kung ano mang gustuhin ko. Masarap sa pakiramdam.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata. Hinawakan ko ang magkabila niyang panga. Sinuri ang bawat parte ng kanyang mukha. Mula dulo ng kanyang buhok hanggang sa kanyang baba. Animoy kinakabisado ang bawat detalye nito. Napakasarap ng pakiramdam habang pinagmamasdan ko siya. “Ikaw nga! Ikaw nga!..hindi nga ako nanaghinip.” Ulit ko pa sa sarili ko habang nasa harapan ko lang si Zaldy. Halos sumabog na ang puso ko sa galak. Miss na miss ko na siya.

Piso [4]




Anino ng kahapon

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/

Sarap na sarap siya sa haba at laki ng aking pagkalalaki. Maging ako ay sarap na sarap din sa pagbayo sa kanya. Maya maya pa, noong malapit na akong labasan, para namang may sumapi sa akin. Sarap na sarap pa rin ako sa pag labas pasok sa kanya. “Aaaaaaaaahhhhhhhhhhh”.

Iyon na lamang at naalala ko ang mga pinagdaanan ni Zaldy sa malupit na kamay ng kanyang tiyuhing adik.

Masaya ako noong naglalakad patungo sa bahay nila Zaldy. May date kasi kami sa may ilog kung saan nabuo ang lihim naming pag-iibigan. Madami na din akong nabuong plano kung ano ang mga gagawin namin sa buong araw na iyon. Andon na lang yung nagprepare ako ng picnic, nanguha ako ng buko, manghuhuli kami ng isda sa mismong ilog na iyon upang maihaw namin at gawing pulutan dahil may dala din akong alak at syempre hindi mawawala ang paghahanapan namin ng piso sa ilamin ng ilog, dun kaya kami nagkalapit. Pasimpleng naglagay din ako ng karatula na nagsasabing delekado na ang ilog na iyon sa may dadaanan papuntang ilog upang ang mga maliligo doon ay hindi na tumuloy at walang maka istorbo sa aming dalawa ni Zaldy. Nakatago na rin doon ang gitara na pangsorpresa ko naman sa kanya. Hindi kasi niya alam na marunong akong maggitara at kumanta at aawitan ko siya ng napakaganda na para bang nanghaharana.

Nakabalandra sa aking mukha ang mga ngiti habang tinatahak ang daan papunta sa bahay nila Zaldy. Naiisip ko na kasi ang mga mangyayari sa aming date na iyon. Buong buo nang pumapasok sa isipan ko ang mga eksena na mangyayari mamaya lang sa may ilog. Ipapakita ko talaga sa kanya ang labis kong pagmamahal. Dahil unang monthsary nga namin iyon, gusto ko talagang maging sulit ang araw na kasama siya.

Saturday, October 20, 2012

Anino Ng Kahapon 08


 Photo by: Justyn Shawn

Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa laging late update ng story ko medyo naging busy po, hope you understand.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento at nagbigay ng some ideas sa chapter na to.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin, robert_mendoza@yahoo.com at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Friday, October 19, 2012

Piso [3]


Pighati
by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/



Simula noong nawala si Zaldy, hindi ko na alam kung may dereksyon pa ba ang buhay na tinatahak ko ngayon. Siya kasi ang nagsilbing ilaw ko sa madilim na tahakin ng buhay. Siya ang nagturo sa akin na lumaban sa mga pagsubok na ibinibigay sa akin ng tadhana. Siya ang naging paa ko sa pagsuong sa buhay at naging lakas ko kung madapa man ako. Siya ang naging mata ko sa madilim na panahon na bumabalot sa akin.

Para akong napilayan at hindi na makalakad. Para akong nabulag at hindi na makita ang kagandahan ng buhay noong nawala siya. Nawalan ako ng goal, ng direksyon at pag-asa sa buhay. Lagi na lang akong tulala, tuliro at di alam ang gagawin.

Buti na lang ay may kaibigan pa rin akong matatawag. Andyan si Jay na hindi man naging paa, naging saklay naman siya upang tulungan akong lumakad. Hindi man siya naging mata ko upang makita ang kagandahan ng buhay, naging ilaw naman siya sa madilim kong daraanan. Siya rin ang parating andyan kapag may kailangan ako. Kapag katulad nitong malungkot ako't naaalala ko si Zaldy, pinapatawa niya ako; pinapagaan ang loob. Siya ang naging sandalan ko sa panahong wala akong makapitan at gulong gulo ang isip ko.

“Okay ka lang ba?”tanong sa akin ni Jay sabay tapik ng aking balikat.

Hindi ko alam kung okay nga lang ba ako dahil sa mga araw na lumilipas, habang paparating ang araw ng kapistahan, lalo ko namang naaalala si Zaldy. Ang una naming pagsasama.

Imbes na matawa sa kanyang ginawang pagbirit na hindi lang wala sa tono, wala pa rin sa lyrics minsan na lagi ko namang ginagawa kapag naaaalala ko si Zaldy ay bigla na lang akong napaluha. “Gulong gulo na ang isip ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Gusto ko nang kitilin ang buhay na meron ako dahil wala din naman itong silbi. Gusto ko na siyang sundan kung nasaan man siya ngayon.” Umiiyak na sabi ko kay Jay. Lumapit si Jay sa tabi ko at niyakap. Hinaplos ang aking likod upang sa ganon ay mabawas-bawasan ang bigat ng aking dinadala.

“Alam kong hanggang ngayon nahihirapan ka pa ring tanggapin ang lahat. Oo, talagang mahirap pero dapat naman kasi nilalawakan mo ang pang-unawa mo sa bagay-bagay. Hindi lahat ng andyan ay parating andyan lang. Minsan kailangan din nilang mawala. Minsan, ang naging gabay mo para makalakad ay kailangang lumisan din para matuto kang tumayong mag-isa. Tandaan mong hindi permanente ang lahat ng bagay sa mundo. Tingnan mo ang kagandahan ng mundo…”makahulugang pag-aalo sa akin ni Jay.

Wednesday, October 17, 2012

Piso [2]


Ala-ala

by: Justyn Shawn
email: jeiel08@gmail.com
blog: http://justynstories.blogspot.com/


"Joseeeee...!" sigaw sa akin ng aking matalik na kaibigang si Jay dahil nananaghinip na naman pala ako. Napanaghinipan ko na naman si Zaldy....ang una naming pagkikita....ang una naming pag-uusap...ang una naming pagsasama.

Nakita kong naglakad na patungong kusina si Jay noong magising na niya ako. Bumangon na ako sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama ngunit pilit pa ring sumisiksik sa aking isipan si Zaldy. Hindi mawala-wala.

Alala ko pa noon, ganitong araw din noong magkita kami sa ilog na lagi kong pinupuntahan. May problema ako kung ano ang gagawin ko at kung paano ko tatangapin ang aking sarili. Dahil alam ko, kakaiba ako sa karamihan. Kakaiba hindi dahil sa mahirap ako, hindi dahil sa ulila na akong lubos, hindi dahil sa isa lamang akong hamak na magsasaka kundi dahil lalaki din ang naggugustuhan ko; at ito din ang nagpapatuliro sa akin ng lubos kung ano nga ba ang aking gagawin. Kung tama ba ito...at kung bakit ito ang aking nararamdaman.

Pagkatapos namin noong maligo sa ilog ay nagsiuwian na kami sa kani-kaniya naming bahay. Dahil nga napagkasunduan naming dalawa, na ang talo sa paglalaro namin ng piso ay manlilibre kung saan mang rides na gustong nitong sakyan. Nagset na lang kami ng oras kung saan at kelan kami magkikita sa perya para hindi din maghintay ng matagal kung sino man sa amin ang mauunang dumating. Alas syete ang usapan namin sa may harap ng ticket booth kami magkikita.

Monday, October 15, 2012

Piso [1]


Sa Ilog
by Justyn Shawn


Napakaganda ng tanawin sa ilog na lagi kong pinupuntahan upang maligo at makapag isip-isip. Isa sa laging pinupuntahan ng mga tao rito ang ilog na iyon dahil sa mga nakapalibot na punong kahoy na nagbibigay ng lilim at preskong hangin na taglay nito. Di gaanong malalim ang ilog na ito at napakalawak, napakalinaw at sadyang napakalamig ang tubig dito.

Masasabing perpektong puntahan ng mga taong nais na magpalamig sa init ng panahon. Summer noon ng magkakilala kami ni Zaldy.

“Tol, ako nga pala si Zaldy. Taga kabilang bayan. Ikaw?” tanong nya sa akin na kumuha ng aking atensyon sa mga sandaling iyon sa aking pagmumuni-muni.

“Ahh..ehh. Jose pala.” Nauutal kong sabi sa kanya. Di ko kasi sya kilala pero sa kanyang ngiti ay parang nawala lahat ang nasa isip ko sa mga sandaling iyon. Parang ikinulong nya ako sa taglay nyang kapangyarihang at napatitig na lang ako sa kanya.

Si Zaldy. Tama lang ang laki. Hindi maputi at hindi din naman maitim ang kutis ng kanyang balat. Pantay ang kanyang mga mapuputing ngipin na una kong mapansin sa kanya nung nginitian nya ako at talaga namang nakakaagaw ng atensyon. Mayroon din syang dimples na bagay na bagay talaga sa kanya at lumalabas sa tuwing siya ay ngingiti. Ngunit ang talagang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanyang malamlam na mga mata na parang may kakaibang kapangyarihang taglay at parang ako ay kanyang hinihipnotismo sa mga sandaling yun. Dagdagan pa ng makakapal ngunit napakagandang kilay na tumerno sa kanyang mga singkit na mata. Kung ikukumpara mo sya sa isang artista ay kahawig nya ang singer na si Enrique Iglesias. Ngunit mas mababa lang dito si Zaldy kumpara sa kanya. Mga 5’4 o 5’5” lang ata wari ko.

“Oh bat parang natulala ka dyan? May dumi ba sa mukha ko? Tanong nya sa akin na para naman akong binuhusan ng malamig na tubig na nagpagising sa akin sa aking mahimbing na panaghinip.

ARNOLD




Lumipas ang araw, bwan at taon. Ganun pa rin. Tulad ng dati, tampulan pa rin ako ng tukso, pangungutya at panghuhusga ng mga taong lumilingon lang sa ganda ng pustura.

Habang tumatagal, habang pumipihit ang oras, habang imiikot ang mundo, ramdam kong nanghihina ako. Hindi pisikal kundi emosyonal. Madaming pangyayari sa buhay ko na nakapagpahina ng aking pananalig, ng pag-asa, at ng lakas upang humarap sa hamon ng buhay. Pilit ko itong nilalabanan, ngunit sadya talagang mapaglaro ang kapalaran.

Kolehiyo na ako ngayong pasukan. Si Daryl, kaklase ko na naman sa eskwelahan na pinapasukan. Ang nangyari sa amin ay kay sarap balikan. Mga kaganapan na noon ko lang natikman. Sa aking balintataw, pilit na kinakalimutan. Isang magandang panaghinip na bangungot ang katotohanan.

Binasurang ala-ala, pilit na bumabalik-balik tuwing siya ay nakikita. Sa eskwelahan kung saan minsan pa'y mababangga ko siya. Damdaming umusbong para sa kanya'y pilit na kinakalimutan na. Ang dami kong binigay, sinakripisyo para sa kanya ay pinaubaya. Ngunit hindi pala bukal ang pag-ibig na kanyang pinakita. Kaya naman ngayon, sisi ko ang sarili. Sa mga kaganapan sa akin ay nangyayari.

Magmuni-muni sa isang parke ang laging ginagawa. Pagtangis upang bigat sa damdamin ay mawala. Dito, pakiramdam ko ako’y malaya. Maipalabas ang damdaming inalipin na niya.

Paglipas ng buwan, damdamin para sa kanya’y unti-unti ng lumilisan. Huni ng ibon, sariwang simoy ng hangin, mga halaman sa parke ang aking naging sandalan. Magkrus man kami ng landas, wala na akong pakialam. Taas noo pa ako basta’t walang sinasagasaan.

Sa pagbubukas ng bagong semestre ng aming paaralan, may isang lalaking makulit sa akin daw ay nakukyutan. Hindi ko siya pinapansin sa kanyang mga tinuran. Takot na akong muling umibig baka puso ko na nama’y masaktan.

Simula na ng pasukan. Kaklase ko pala sya, Dyos ko naman! Ang pagiging makulit niya’y nananatili pa rin. Sinusuyo, sinasabayan sa pag-uwi, nangungulit kahit hindi ko siya pansinin.

Minsan pa ako'y nag-iisa, sa parke kung saan lagi ko siyang nakikita. Masuyo siyang tumabi at sa akin ay tumitig sa mata. Maamong mukha sa akin ngayo'y nakabalandra. Bigla siyang ngumiti, aking ikinabilga. Inilabas ang pagkaing kanyang dala. Sa amoy nito'y ako'y nagutom bigla. Ganyan talaga siya, kapag ako ay kasama. Inaalok ng kung anu-anong sa tingin niya'y sa aki'y makapagpapasaya. Ngunit ang kanyang mga ibinibigay ay hindi ko tinatanggap. Dahil baka malaman ko sa huli ito'y isa lamang pagpapanggap. Damdaming nabubuo pilit na isinasawalang bahala. Baka iwan niya akong bigla, iyan ang aking ikinababahala.

Sa kanya ay pilit na lumalayo. Hayaan ko lang sya, iyan kanyang pakisuyo. Titig sa mata, hawak sa 'king kamay, ako'y kanyang nilalambing. "Walang pagpapanggap na mahal kita", sabi niya sa akin. Ako ay biglang tumayo at tumakbo palayo. Dahil "mahal na kita" baka maibulalas ko.

Huling semestre na ng pasukan. Nagkasakit ako nun bago pa man. Taka kong sa bahay siya ay  nasumpungan. Hinanap niya ako dahil wala daw siyang makakulitan. Nasa kwarto ko siya at pinahihigop ako ng mainit na sabaw. Bigalang bumungad si Inay sabay sabing, "mabait naman pala iyong manliligaw". Bigla akong nabilaukan at kinabahan. Baka sinabi ni Inay na gusto ko na din sya, wag naman! Bimulis tibok ng aking puso kasabay niyon labi ko ay napaso. Mga titig niya sa akin ay nakapako. Hanggang paningin ko ay naglaho.

Sobrang pagod, puyat at pag-aalala, sabi ng doktor kaya sakit ko at lumala. Nakita ko na naman siya nung ako ay lumingon sa kaliwa. Ngumiti si Inay at sinabing siya sa akin ay ang nag-alaga. Mga hula sa aking mga mata ay biglang tumulo. Dahil sa pinakita niya ang pag-ibig niya at totoo. Nakita niya iyon noong magising siya. Lumapit sa akin at hinalikan mga luha sa mata. "Huwag ka ng iiyak dahil nasasaktan din ako aking mahal". Pagkasabi niya sa akin ay sa bisig niya ako pinasandal. Sa kanyang ginawa dama ko ang kanyang pagmamahal. "Mahal kita" ang sabi kong hinihintay niyang kay tagal.

Nagtapos kami ng kolehiyo ngunit ang pag-ibig niya ay hindi pa rin nagbabago. Ganon pa rin siya mula noong una. Makulit, pasaway, bibo. Nakakatuwa dahil ayaw ko sa kanya noong una ngunit heto ako't masayang minamahal sya. Hawak kamay kaming sumusuong sa laban ng buhay. Pinapadama sa isa't-isa ang pag ibig na walang humpay.

Sa parke kung saan may malungkot na nakaraan, ngayon masasayang bagay na doo'y kanyang pinalitan. Ang atmospera doo'y puno na ng pagmamahalan. Isang bagay doon din sa akin kanya akong tunuruan. "Buksan ang puso sa pangalawa. Kung sawi sa una, subukan ulit at umasa. Dahil hindi mo makikita ang sa iyo'y nakatadhana kung puso mo ay ikukubli mo na."

Siya ang nagpabago ng pananaw ko sa pag-ibig. Ang ngayong parte ng aking buhay. Ang taong tinuruan akong bumangon at umasang muli. Ang dahilan ng matatamis kong mga ngiti. Ang aking inspirasyon. Si ARNOLD.



wakas.

LABS 525452

Photo by: Justyn Shawn


Para sa ibang tao normal lang kapag dumarating ang ika-16 na araw ng bawat buwan.  Pero para sa akin iba ang araw na ito.  Espesyal ang araw na ito.  Hindi dahil katatapos lang makakuha ng sweldo but simply because this is the day when I finally got into a relationship with my Labs.  Nag-umpisa sa simpleng kulitan.  Paminsan-minsan di ako pinapansin.  Pero hindi ko alam on that particular day iba ang dating ng kulitan namin. 

Anino Ng Kahapon 6 and 7


Photo by: Justyn Shawn



Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa late update ng story ko medyo naging busy po kasi and because of that I decided to post two chapters of the story para makabawi man lang kahit papaano.


Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac, Lexin at syempre sa mga anonymous silent readers.


Sa lahat ng gustong makipagkulitan sa akin you can follow/add me on the following social networks by simply clicking any of the links below:


_____

Disclaimer:

This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!


Thursday, October 04, 2012

Anino Ng Kahapon 05

Photo by: Justyn Shawn



Una po sa lahat ay nais ko po humingi ng sorry sa late update ng story ko medyo naging busy po kasi.  And kakamustahin ko na rin kayo. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan.  Parang sulat lang diba? Ahahahaha.  Pero kidding aside, I really hope na OK kayong lahat.

Pangalawa nagpapasalamat po ako sa taong mahalaga sa akin dahil sya po ang gumawa ng cover photo ng kwento.  Maraming salamat Justyn Shawn. My one and only Labs. Less Than Three.

Hindi ko na po patatagalin pa, pero bago ang lahat ay magpapasalamat ako sa lahat ng nagcomment namely: raymond, ramy from qatar, riley delima, and artsteve, zenki of kuwait, kiero143, Lee, Mac at syempre sa mga anonymous silent readers.

_____

Disclaimer:
This story is based on true to life experience, names of the characters and some scenarios are intended to be changed to protect their privacy.

Comments and any kind of reactions are welcome. 

You have the freedom to express your feelings.

Read at your own risk!

Enjoy reading!